Miyerkules, Marso 2, 2011

Pamana



Ano na iri hindi talaga baya apigilan ang natural na lukso ng puday. Kailangan baya namang ipakita sa buong kaharian ng Marindukduk kung sino ang Reina. Tiniyak pa ng nakaakmang gamana daw sa trono ng ina na iparating sa Gubernadura ang walang ka torya-toryang kuwento na may kinalaman sa isang ritratong nakakuwadro sa opisina ni Villa Julao ng provincial hospital na may gulang na rin at hindi na kailangang turuan kung ano ang tama at mali.

Sinumbong ng anak na babae sa inahin na may larawan ngani ang kasalukuyang Congressman ng Marindukduk. Pinatawag kaagad ng matandang ina ang Villa at pinagmumura mulo ulo hanggang paa. Ang sabi ng matanda: Punitin mo yan sa harapan ko ngayon din!

Ngayon alam mo na kung ano ang ibig sabihin ng byaheng-amo? Hindi maliwanag kung pinunit ng babae ang larawan na ang paglalagay ng mga larawan ng mga opisyales ay sakop ng mga kaukulang regulasyon.

Anong regulasyon regulasyon ako ang batas! Ngisi naman sa isang tabi ang anak at hindi mapigilan baya ang humagikhik. Ay ano na.

Yan ang pamana. Nagsimula pa sa Lupac at tuloy-tuloy hanggang sa kasalukuhan. Demoralisadon daw ang mga empleyado sa pangyayari dahil isa sa kanila ang nabiktima ng kabuktutan. Awan laang baya ngani bagay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento