Biyernes, Enero 11, 2013

Mga ilang kaso sa Amerika laban kay Regina O. Reyes


Ilan lamang sa kasong isinampa laban kay REGINA O. REYES sa California, U.S.A. kung saan siya naging permanenteng residente at pagkaraan ng ilang taon ay nagawaran ng U.S. citizenship.

Ang unang kaso sa itaas ay hinggil sa CHILD SUPPORT CASE na isinampa laban kay Regina dahil sa kanyang pag-abandona sa kanyang anak kay Saturnino Dionisio. Anung saklap mandin ng katotohanan na sa likod ng karangyaan ng pamilya ni Regina ay nagawa nitong iabandona ang kanyang menor-de-edad na anak kay Dionisio na ipinanganak noon 1999. Mapapansin na ang kaso ay isinampa ng Korte mismo noong February 16, 2011. Ito ay panahong si Regina ay hinirang ng kanyang Inang Reyna na umupo sa trono bilang Provincial Administrator ng Kaharian ng Kapitolyo ng Marinduque.

Kataka-taka baga na kinailangang lumuwas si Regina papuntang Amerika at magpabalik-balik doon habang siya ay nakaupo sa isang government position sa Marinduque ngani na labag sa batas naman ngani dahil siya ay American citizen ngani? Iyan ang tunay na kasagutan kung bakit laging wala si Gina sa Kapitolyo habang may opisyal na tungkulin.

Detalye ng Kaso ang sumusunod:

THE SUPERIOR COURT OF CALIFORNIA
COUNTY OF VENTURA

Party Name: REGINA O. REYES, DEFENDANT

Case Name: COUNTY OF VENTURA VS. REGINA REYES
Category: DCSS SUPPORT (CHILD SUPPORT)
Case Number: D343647
Filed: 2/16/2011

Ang ikalawang Kaso naman ay tungkol sa Dissolution ng Kasal na kung saan nagka-anak nga sina Dionisio at Regina. Nagsampa ng kaso si Dionisio upang mapawalang-bisa na ang kanilang kasal. Sila ay nagsama mula 1996 hanggang 2001.

Detalye ng Kaso ang sumusunod:

THE SUPERIOR COURT OF CALIFORNIA
COUNTY OF VENTURA

Party Name: REGINA O. REYES, RESPONDENT
Case Name: SATURNINO DIONISIO VS. REGINA DIONISIO
Category: DISSOLUTION OF MARRIAGE WITH CHILD
Case Number: SD024860
Filed: 2/9/2001
     






Sa Fertilizer Scam dating Polangui Mayor sinampahan din ng kaso


Gov. Carmencita Reyes ng Marinduque,
nauna nang sampahan ng Kaso sa Sandiganbayan

MANILA, Philippines - Isang dating mayor at nakatatandang kapatid ni Albay Gov. Joey Salceda ang nahaharap na ngayon sa graft charges sa Sandiganbayan dahil sangkot ito sa P728-million fertilizer fund scam noong 2004.


Isinampa ang kaso sa Office of the Ombudsman laban kay dating mayor ng Polangui, Albay na si Jesus Salceda, Sr., municipal accountant Ma. Jimalyn Sabater, municipal treasurer Anna Robrigado, municipal agriculturist Renato Silo at Manding Arcalas ng Madarca Trading, isang pribadong kompanya.Hindi naging makatarungan ang overpriced na halaga ng 1,315 litro ng Young Magic Foliar fertilizer na nagkakahalaga ng P5 million na binili sa Madarca Trading ng local na pamahalaan ng Polangui mula Abril – Disyembre 2004. 


Ang transaksyong ito ay bahagi ng fund scam na tinatawag na fertilizer scam.“Ang halaga ng fertilizer na binili ay P3,800 kada litro samantalang ang totoong presyo nito ay P125 lamang kada litro”, ito ang nakasaad sa charge sheet.


Nauna nang masampahan ng kaso sa Sandiganbayan tungkol sa fertilizer scam sina Carmencita Reyes ng Marinduque, Oscar Gozos ng Batangas, Federico Sandoval ng Navotas, Nanette Castelo-Daza ng Quezon City at Abdullah Dimaporo ng Lanao del Norte. Sila ay mga mambabatas pa nang nangyari ang anomalya.

Inireport ng Philstar.com

Martes, Enero 1, 2013

Karagdagang pangalan ni Regina o. Reyes: Regina Reyes Dionisio


Base sa dokumentasyon, si Saturnino Ador Dionisio ang ikatlong asawa ni Regina. Sila ay ikinasal sa America noong Hunyo 1997 at naghiwalay ngani noong January 2001. Nagsampa ng demanda si Dionisio laban kay Regina dahil diumano sa panlilinglang ng babae sa kita ng kanilang itinayong business bilang mag-asawa, ang Pacific Communication Network. 

Nakasaad pa ngani doon sa reklamo ng asawa ni Regina ang ganiri: "breach of fiduciary duty, usurpation of business opportunity, legal malpractice at unfair business practice". Dokumentado lahat. 

Alam mandin ito sa Marinduque community sa California at panay ngani ang usapan doon kung paanong nagawang magbulaan ni Regina sa mga datos sa mga opisyal na dokumento na may kinalaman sa pag-file niya ng kandidatura sa Marinduque. Hindi hamak na alam din ito ng kanyang mga kaanak sa Maynila at Marinduque na puro nakakium ang bibig ngayun.