Gov. Carmencita Reyes ng Marinduque, nauna nang sampahan ng Kaso sa Sandiganbayan |
MANILA, Philippines - Isang dating mayor at nakatatandang kapatid ni Albay Gov. Joey Salceda ang nahaharap na ngayon sa graft charges sa Sandiganbayan dahil sangkot ito sa P728-million fertilizer fund scam noong 2004.
Isinampa ang kaso sa
Office of the Ombudsman laban kay dating mayor ng Polangui, Albay na si Jesus
Salceda, Sr., municipal accountant Ma. Jimalyn Sabater, municipal treasurer
Anna Robrigado, municipal agriculturist Renato Silo at Manding Arcalas ng
Madarca Trading, isang pribadong kompanya.Hindi naging
makatarungan ang overpriced na halaga ng 1,315 litro ng Young Magic Foliar
fertilizer na nagkakahalaga ng P5 million na binili sa Madarca Trading ng local
na pamahalaan ng Polangui mula Abril – Disyembre 2004.
Ang transaksyong ito ay bahagi ng fund scam na tinatawag na fertilizer scam.“Ang halaga ng fertilizer na binili ay P3,800 kada litro samantalang ang totoong presyo nito ay P125 lamang kada litro”, ito ang nakasaad sa charge sheet.
Nauna nang masampahan ng kaso sa Sandiganbayan tungkol sa fertilizer scam sina Carmencita Reyes ng Marinduque, Oscar Gozos ng Batangas, Federico Sandoval ng Navotas, Nanette Castelo-Daza ng Quezon City at Abdullah Dimaporo ng Lanao del Norte. Sila ay mga mambabatas pa nang nangyari ang anomalya.
Inireport ng Philstar.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento