Hindi bababa sa isang dokumento na nagapatunay na ang governadora ng Marinduque ay mag-ochenta y cuatro (84), anyos sa tang 2013, dahil ipinanganak ito noong 1929. Ito ay kung maaring paniwalaan ang isang birth certificate na pirmado mismo ng governadora, tingni sa ibaba ang kopya.
Taliwas naman ito sa ibang opisyal na pahayag at opisyal na gamit ng governadora na nagsasabing siya ay ipinanganak daw sa taong 1931. Taliwas din ito sa inasabi ng mga kasasabay niyang pulitika sa Marinduque na mas matanda pa raw sa 84 ang governadora. Lampas daw ng walumpu't apat.
Birth certificate pa laang ay sakit na ng ulo mandin sa Marinduque, ano? Pero kung atuusin talaga ay kahit sa Vatican ay bawal na bumoto man laang ang mga Cardinal basta makarating sa edad 80. Sila ay inagawang daw tagamasid pampurok na laang.
Kaya naman pala sa Kapitolyo ng Marinduque ay marami ang governador at governadora. Kasama na ang anak na si Regina O. Reyes na sa usapin pa laaang ng kapanganakan ay katulad ng kapareho. Si Regina O. Reyes ay nananatiling "Executive Assistant for Information & Public Relations sa Provincial Governor's Office". Kahit naman ito ay labag sa mga patakaran ng COMELEC ay walang pakialam ang mag-ina dahil tila para sa kanila SILA ANG BATAS at hindi ang batas ng Pilipinas, intindiha.
Parang ahas na tulug-tulugin daw naman ang mga Marinduqueno wari daw ngani na parang hindi alam ang bawal at hindi bawal. Awan laang. Baka naman hindi laang nagasalita muna at sa huli ay maga-alsa.