Bagong Simula
Nakapasok
na tayo sa panahon ng Pagbabago. Bagong Simula. Panibagong
panahon ng Kaliwanagan.
Panahon
ng pagtanggap sa sariling kakayahan na maibalik na sa atin ang
dati nang nasa atin pero
ipinagkait pa: ang ating Dignidad bilang mga Tao.
Hindi
na tayo mapayag na paalipusta sa
mga mapanglinlang, mga bulaan at mapang-aping mga namumuno o gustong mamuno.
Tapos
na ang panahon ng mga mapaniil. Mabangon
tayong Magkakapit-bisig laban
sa mga kampon ng mga ganid para isulong naman ang ating Karapatang mabuhay sa isang Malaya
at Makatarungang Bayan.
Dumating
na ang panahon. Ang timbangan ay nakakiling na para sa mga mamamayan. Ngayon na ang panahon para ipamulat sa lahat na ang Kapangyarihan
ay Nasa Tao na Ngayon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento