Regina Ongsiako Reyes |
Representative-elect Reyes ng Marinduque, diniskuwalipika ng SC
DINISKUWALIPIKA ng Korte Suprema ang nanalong kandidato sa pagkakongresista ng Marinduque na si Regina Ongsiako Reyes.
Sa idinaos na en banc session ng Korte Suprema, ibinasura nito ang petition for certiorari na inihain ni Reyes kung hiniling nito na pigilan ang ginawang pagdisqualify sa kanya ng Comelec sa pagtakbo sa nakalipas na eleksyon.
Sa botong 7-4-3, mayorya sa mga mahistrado sa pangunguna ni Justice Jose Perez ang nagsabing walang naging pag-abuso sa panig ng Comelec.
Apat sa kanila ang nagsabi na dapat atasan muna ang Comelec na magkumento sa petisyon bago desisyunan ang kaso, habang ang tatlong iba pang mahistrado ay nag-inhibit kabilang na sina Justices Jose Mendoza, Estela Perlas-Bernabe at Presbitero Velasco.
Si Velasco ay tatay ni Incumbent Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na nakalaban naman ni Reyes sa eleksyon.
Nuong Mayo, pinal na nagdesisyon ang Comelec na idiskwalipika ang kandidatura ni Reyes dahil siya raw ay American Citizen.
Nakalink sa http://www.remate.ph/2013/06/rep-elect-reyes-ng-marinduque-diniskuwalipika-ng-sc/#.Ucus2zvAf3s
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento