'SINGLE' ang INILAGAY NI GINA REYES. BAKIT KAYA? ABANGAN! |
Paano na ang gawin mo ‘igan kapag ang iyong asawa ay biglang
ipangalandakan sa buong mundo na siya ay dalaga, habang ikaw naman sa kabilang
dako ay pilit na inasabing kayo ay mag-asawa? Hindi naman siguro pendejo ang
puwedeng itawag sa iyo, ano? O baka hindi mo alam na ang asawa mo ay naging
asawa at ikinasal din kay ganito at ganoon?
Si Regina O. Reyes ay dineklarang siya ay SINGLE sa kanyang
COC, isang sinumpaang salaysay ngani. Pumiyok naman si Mister Mandanas, Congressman ng Batangas, para magreklamo
at magsabi na si Regina, “incidentally is my canonical spouse”.
Sino ngayon ito ay lalong pinalabo at nagapaliguy-liguy at hindi sabihin
kung sila ay kasal o hindi? Inatanggap baga naman sa batas kung magsalita ka ng
alanganing ‘CANONICAL SPOUSE’ ko siya? Maliwanag naman ang inasabi: Ano ang
civil status ni Gina na pinirmahan niya UNDER OATH? Sagot ni Gina ay “SINGLE” at hindi "Married".
E di silang dalawang
mag-asawa ang magdebate buong araw at magdamag kung sino sa kanilang dalawa ang tama. Maliwanag naman ang batas Pilipinas
ay bakit baga inapalabo? Prove it with a legal marriage contract, na baka ika-alta
presyon naman ng isa sa dalawa kapag inilabas dahil tulad ng kinagawian, malamang may anomaly na naman sa simpleng kaso ng kasal. Pero dapat ngani, para lumabas
kung sino ang TUNAY NA SINUNGALING sa kanilang dalawa!
Cong. Mandanas, patunayan mo pa please! Tama na ang palusot at paikot-ikot! Di kaya ay ireklamo mo ang iyong canonical spouse sa kanyang ginawang kasinungalingan at pagtatwa sa iyo sa kanyang COC.
It's either you are married in the Roman Catholic Church or not, Congressman Mandanas! ANO BA TALAGA ANG DEFINITION NG "CANONICAL SPOUSE" IN RELATION TO CANONICAL MARRIAGE?!?!?! Kung hindi kasal e di hindi kasal! Kaya nga daw SINGLE sya e. samantalang nung una e walang hiya syang ikabit ang pangalan mo sa pangalan nya at asawa ka daw. Ngayon nagfile ng COC e bigla kang inisangtabi. E kawawa ka naman Congressman Mandanas!!!!
TumugonBurahin