Hindi pa tapos ang kaso sa Ombudsman ng administrasyong Carmencita O. Reyes ng Marinduque tungkol sa Ghost Projects ay gusto na namang gumawa ng panibagong mga multo? Milyon-milyon pala ang autangin sa bangko para bago mag-eleksiyon ay rimpak-rimpak ang salapi na malamang ang kasasapitan ay pareho din ng nakagawian na sa mahabang panahon mandin.
Ang multo ay parating gamulto hanggat hindi inabigyan ng katahimikan at katapusan ang kanyang himutok. Kayat palagian kang adalawin ng mgay iyan abutan man ng maraming taon baga.
Maraming multo sa kapitolyo pilit na inasubukang ibaun sa limot pero ayaw ng mga multo. Kaya dinala na ang usapin sa Ombudsman. Panay man ang tawag at bisita doon ng mga gumawa ng multo ay panay naman ang daing ng mga multo na bigyan ng katarungan ang kanilang sinapit.
Ghost projects sa pagpagawa ng maraming farm-to-market roads sa Torrijos, Marinduque ang prinotesta ng mga barangay doon. Ilan lamang sa maraming salaysay ng mga Kapitan ng Barangay ang narito na inireklamo ang Kapitolyo sa pamamalakad ng Gob. Carmencita O. Reyes. Kasapakat sa reklamo ang mga taong siksik, liglig at umaapaw ang kapangyarihang magmanipula para maging matagumpay ang sistema ng kurakutan na tila naperpekto na nila.
At dahil tila baga walang pakialam ang mga tao dahil lamang nakasanayan na ang sistema ng kurakutan kaya lalo namang ga-dambuhala ang pang-aabuso ng mga reyna-reynahan at hari-harian sa kanilang hiram na kapangyarihan sa paniniwalang habang buhay na hawak nila ito. Isasaling-lahi lamang sa kanilang mga kaanak ang hayag na balak. Basaha po ang ilan sa mga salaysay ng mga Kapitanes.
Ulit, nagaantay ng katarungan ang kasong ito na ilang taon ng nakasampa sa Ombudsman mandin.
"Republika ng Pilipinas
Bayan ng Torrijos
Lalawigan ng Marinduque
"SINUMPAANG SALAYSAY
"AKO, SI, ELEUTERIO R. RAZA, SR.,may sapat na gulang at
kasalukuyang nanunungkulang Punong Barangay ng Kay Duke, Torrijos, Marinduque,
matapos manumpa sang-ayon sa batas ay kusang loob na nagpapahayag ng mga sumusunod:
"1. Na sa hangarin kong maging maayos ang lansangan
n gaming barangay ay lumapit ako sa Punong Lalawigan para mabigyan ng
kongkretong kalsada ang aking lugar at sa tulong din ng aking anak na si Bokal
Bong Raza ay nabigyan kami ng pondo na nagkakahalaga ng P 116,000.00;
2. 2. Upang mapadali ang pagpapatupad ng naturang
proyekto ay madalas akong nakikipag-ugnayan kay Administrator Luisito M. Reyes
para malaman ang mga hakbangin sa mabilisang pagsasagawa ng nabangit na
proyekto sa aming barangay;
3. 3, Sa bisa ng ginawang aksiyon ng Tanggapan ng
Gobernador ang naturang proyekto ay nagawan ng balangkas na programa at
naihanda ang kaukulang mga papeles para mabii ang mga materyales na
kakailanganin ng nasabing proyekto;
4. 4. Sa pamamagitan ni Bokal Raza ay inaalam ko ang kalalagayan
ng mga materyales na gagamitin sa proyekto at napagalaman ko na si Engr. Mayco
Leyco ng Provincial Engineer’s Office ang mangangasiwa ng pagpapatupad nito;
5. 5. Na ang matagal na pagkakabinbin ng pagdedeliver
ng mga materyales matapos ang bidding nito ay nagtulak sa akin upang palagiang
ungkatin kung kalian masisimulan ang proyekto subalit nagulat ako ng malaman ko
na ang concreting project na nakalaan sa aking barangay ay iniulat ng tapos
bagamat hindi pa ito nasisimulan at ang mga materyales nito ay hindi pa
naiideliver;
6. 6. Na nagdeliver lamang ng mga materyales ang
supplier matapos na alamin ni Bokal Raza mula sa PEO ang napaulat na kalagayan
ng proyekto at sa Accomplishment Report na inilabas ng Engineering Office ay
nabasa ko na ang naturang project ay iniulat ng natapos noon pang September 21,
2005;
7. 7. Na pinasisinungalingan ko at pinawawalang bisa
ang impormasyon na nakalagay sa Accomplishment Report at sa pamamagitan ng
salaysay na ito ay pinatutunayan ko na hindi pa sinisimulan ang proyektong
nabanggit;
"Sa katunayan ng lahat ng ito ay lumagda ako sa tapat ng
aking pangalan ngayong ika-4 ng Enero 2006 sa Torrijos, Marinduque.
(Pirmado)
ELEUTERIO
R. RAZA, SR.
PUNONG BARANGAY
Kay Duke
(Notaryado at pirmado ni MANOLO BUENVIAJE, Notary Public"
Republika ng Pilipinaas
Bayan ng Torrijos
Lalawigan ng Marinduque
SINUMPAANG SALAYSAY
Ako si TOMAS C. PALMA, may sapat na gulang at kasalukuyang
Punong Barangay ng Buangan, Torrijos, Marinduque, matapos manumpa sang-ayon sa
batas ay kusang loob na nagpapahayag ng mga sumusunod:
1.
1. Na isa sa pangunahing suliranin ng aking
barangay ang provincial road na nag-uugnay sa aking barangay at sa karatig
nitong barangay ng Bayakbakin at Payanas;
2. 2. Na upang maibsan ang paghihirap ng mga dumadaan
sa naturang lugar sanhi ng bako-bako at lubak na kalsada ay nakipag-ugnayan ako
sa Tanggapan ng Pangalawang Punong Bayan para mapadalhan ng ekwipo ang masamang
bahagi ng daan at matambakan ito sa pamamagitan ng Loader at grader;
3. 3. Na sa aking pagkakaalam ang kalsadang tumatagos
simula Buangan-Bayakbakin-Payanas ay nasa ilalim ng pangangasiwa at pagsasaayos
ng Pamahalaang Panlalawigan subalit wala akong natndaan na isinaayos ang
naturang kalsada na saklaw ng aking barangay sa nakaraang dalawang (2) taon
maliban na lamang noong panahon ni Engr. Ramos;
4. 4. Na kahit minsan ay hindi ko pa nakausap o
nagpunta sa akin ang Engineer na kasalukuyang nakatalaga sa Torrijos at
nangangasiwa ng pagsasaayos ng provincial road dito, o di kaya ay nagpatrabaho
sa aming lugar;
5. 4. (sic) Na wala rin akong nalalaman na proyektong
pinasimulan ang probinsiya para ayusin ang masamang kundisyon ng kalsada sa
aming lugar.
"Sa katunayan ng lahat ng ito ay lumagda ako sa tapat ng
aking pangalan ngayong ika-2 ng Enero 2006 sa Torrijos, Marinduque.
(Pirmado)
G.
TOMAS C. PALMA
Punong Barangay
BUANGAN
(Notaryado at Pirmado ng Atty. Manolo Buenviaje, Notary Public.