Miyerkules, Nobyembre 28, 2012

Kabulaanan sa edad ng governadora ng Marinduque


Ang kapanganakan pala ng governadora ng Marinduque ay November 19. Malaking kababalaghan laang ngani kung ano ang totoong gulang niya. Kung siya ay 87, 83, o 81 na nakasaad sa kanyang personal na datos. Sabi doon siya ay ipinanganak sa taong 1931. Ayaw namang pumayag ng mga kasasabay niya sa pulitika na siya ay 81 laang. May dokumento naman ng birth certificate na pirmado niya na siya ay ipinanganak sa taong 1929.

Kung ano man ang totoo ay hindi baya maiitanggi na ugali na ng matanda na iligaw o ilihis ang mga tao. Kakatapos laang ng selebrasyon ng kanyang pinakahuling birthday noong nakaraang November 26 naman.
Ang alingasngas sa kabi-kabila ay ito ang unang-unang ipapamana niring matanda sa kanyang anak na pinangalanang Regina Victoria na ang ibig sabihin sa tagalog ng Regina ay Reyna. Reyna Victoria kumbaga. 

Ano raw ang apamana? Ang patuloy sa nakagawiang panglilinlang sa kanyang tunay na pangalan at kapanganakan. Bakit kaya mahalaga para sa mga taong ito ang panglilinlang tungkol sa mga simpleng bagay na katulad nito? Yan ang misteryo na magandang busisiin sa mga masunod na araw kung paanong kasabwat ang mga cabal ng kapitolyo sa panglilinlang sa mga simple pero mahalagang bagay na ito.

Mahigpit na pala talaga ang kapit ng matanda sa kanyang kanang kamay na  dating governador sa Marinduque dekada '80. Noong nakaraang kampanyahan ay panay mandin naman ang pananalita ng matanda na hindi niya akunin o apayagang makialam ang binansang Kang Gob kapag siya ay naupong governadora tanda mo pa?. Dahil daw ang lalaki ay kurakot laang ang alam. Matapos ang eleksyon ay daw kidlat mandin sa bilis na nag-take over ang lalaki at siya na ang tumayong lihim na governador. Iba talaga pag malalim na ang pinag-ugatan ng business partnership na ito ano?

May pirma ang governadora sa birth certificate niyang ito na nagasabing ang kanyang kapanganakan ay November 9, 1929. Samakatuwid hindi maaring bumaba sa 83 ang kanyang edad, tama o mali? Taliwas sa kanyang mga opisyal na pahayag na siya ay ipinanganak noong November 9, 1931. Kayat sa mahabang bahagi ng kanyang public service ay siya ay nanglinlang at nagbulaan sa kanyang nasasakupan na tatak naman niya ito matagal ng panahon mandin naman. 

Mapaupo, mapatayo kailangang humawak ng mahigpit ang matanda sa kalimitan ay dalawang tao sa kanyang tabi at mas delikado pag tumumba. Hangos at halos buhatin na mandin ito pag naakyat sa hagdan. Nito nganing mga huling araw ay  hindi na makita na nasama sa flag ceremony dahil minsan ay nagakantahan lahat ng Bayang Magiliw ay nakaupo naman ang matanda na hindi kaya ang katawan. Proxy sa flag ceremony ang kanyang anak. Awan laang kung mapayag si Pare na si Gina ang kanilang bunso at hindi siya.

Ang mga empleyado naman ng kapitolyo ay daw bulag at puro mata na laang nila ang nagalaw na ang ibig sabihin ay wala kitang nakikita ano?

Kapit pa ng mahigpit hirang. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento