Kuha ang larawan bago magmisa sa bagong gusali noong November 26, 2012.
Pinalaganap sa mga barangay ng Marinduque ang balitang parating ang Pangulo ng Pilipinas para sa diumano ay inagurasyon ng Legislative Building sa Kapitolyo kahit hindi pa ito tapos sa gitna ng usapin ng balaking pangungutang ng milyon-milyon ng administrasyong Reyes ngani. Bale pantapal baga ang Pangulo ng Pilipinas dahil itinaas na pala sa Korte ng isang pribadong grupo ang pagpigil sa nasabing utang. Para sa mga concerned citizens ng grupo at maging ng mga iba pang LGU sa Marinduque ay kaduda-duda ang pangungutang na ito dahil ilang buwan na lamang ay kampanyahan na para sa 2013 Elections. Nakakamangha na dumaan ang tatlo at kalahating dekada na hawak ng mga Reyes ang kapangyarihan ay biglang makakaisip mangutang sa mga kadahilanang hango sa kabulaanan naman, anila.
Sa usapang kabulaanan naman, makikita sa itaas ang larawan ngmalaking tarp sa diumano ay inagurasyon na kung saan ay pinamalita na dadaluhan ng Pres. Aquino. Ang okasyon naman pala ay pagdiriwang ng KAPANGANAKAN NG GOBERNADOR CARMENCITA O. REYES NG MARINDUQUE.
Alam ng Kapitolyo na walang Presidente na darating, kayat ipinamalita naman na si DILG Secretary MAR ROXAS ang padating bagamat wala namang niha-nihong kumpirmasyon tungkol dito. pero kailangang makapag-ipon ng maraming tao ang Kapitolyo kayat hindi na binawi sa mga taga-barangay ang ipinamalita.
Maliwanag naman na para ang lahat sa "Kaarawan ng Ina ng Lalawigan". Karaniwang paraan na ito ng mga REYES para ang GASTOS AT PAGPAPAKAIN sa kanyang KAARAWAN ay manggaling sa KABAN NG BAYAN. Mabisang paraan naman baga para ilihis ang isip ng mga tao na maaring makabatid sa kanilang ma-anomalyang sistema ng pag-gamit ng taxpayers money. Lalo na kapag dinaluhan ng VIP tulad ng presidente o sec ng gabinete. Hindi na ito bago kung atuusin. Ito na ang sistemang nakagisnan na akuin na sarili nilang pera ang pera ng bayan.
Yun namang mga dapat ay guest of honor kung dumalo ay naging biktima sana ng GAMITAN kung sila ay nakadalo. |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento