Martes, Nobyembre 27, 2012

Cabal ni Carmencita Reyes

KABAL


Ito pala ang ilan lamang sa mga pangunahin at pamosong kabal ng kapitolyo ng Marinduque. 

Ang kabal ay isang grupo ng mag-anak o mga tao na ang tanging pakay lamang ay igiit ang kanilang mga sariling kapakanan at interes sa komunidad, simbahan o gubyerno. Nagagawa ang kanilang pakay sa pamamagitan ng pagmamanipula, panggigipit, pambabaoy o pananakot sa kanilang mga nasasakupan habang nakaupo sa puwesto. Istilo na ng mga kabal ang pakikipagsabwatan para maisagawa ang kanilang makasariling layunin ng walang kasawaan. Sa ganitong paraan ay iisang pamilya lamang ang humahawak sa kapangyarihan sa gubyernong kanilang ginagalawan..

Palaging kakabit ng terminong KABAL (CABAL), ang mga pamamaraang illegal, ma-anomalya, mapanglinlang at mapagmanipula. Pamamaraan na nila ang panatilihing salat, mahina, mahirap, ignorante at walang boses ang kanilang nasasakupan para tuloy-tuloy na maisakatuparan ang kanilang hangad.

Ang salitang KABAL pala ay hango sa Kabbalah na ang ibig sabihin ay occult o kaalamang lihim at kadiliman na ang pangunahing pakay ay ang pag-CONTROL sa pag-iiisip at galaw ng mga tao tulad ng isinagawa ng mga Nazi sa kapanahunan ni Adolf Hitler.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento