ANG PAG-ENTRADA NI GINA O. REYES SA PULITIKA NG MARINDUKE.
“…what happened thereat poses to them a grim reminder of the brutalities during the Japanese occupation. This is worse they said because the atrocity was committed not by the Japanese but by Filipinos against Filipinos… unless we condemn, resist and emphatically show our displeasure against the abuses we are discussing now in the strongest possible terms, we shall remain to be continuing victims of oppression from all quarters, because of our timidity and acquiescence by silence.” – Aristeo M. Lecaroz (Speech before the Sangguniang Panlalawigan, October 28, 1985)
1985. Mga huling kapanahunan ng Martial Law ngani. Mahabang panahon mandin yoon ng pagpakita at pagparamdam lalo na sa mga taong inaturingang “simple” na sila ay dapat na lamang manatiling simple. Ibig sabihin ay mga taong dapat manatiling kimi at tahimik, na hindi dapat makialam sa anumang mga pangyayari sa paligid at patuloy na tanggapin na laang kung ano ang pakalat at pang-aabuso ng nasa kapangyarihan at kanilang mga kaanak.
“Mahirap laang kita ay, wala kitang magagawa”, ito ang inapagduldulan na dapat maging permamenteng bukambibig. Ito laang dapat sa mga taong simple. Paano’y hala, delikado pag natutong mag-isip-isip ang mga tao, mahirap na raw.
Yano mandin ay kainamang lugar ang maliit at tahimik na Marinduque para sa gustong maghari at magreyna habang buhay. Aanim na bayan laang ang aikutin at apaikutin, ay yanong dali. Perpektong lugar ito para gawing sariling palaruan ng iisang pamilya lamang – habang panahon at magpakailan man kung ari.
Madali laang mandin. Dahil kilala sa pagiging dukha, salat at maralita ang karamihan sa mga taga-Marinduke, kaunting paninindak at pagparamdam laang ng mga abusadong sistema ng mga nagaharing-uri ay sapat na. Sindak na sindak. Natuto kay Marcos ay.
Pananakot, una, dahil matatakutin ngani ang mga taong ‘simple’, at pag hindi natakot ay apakitaan laang ang mga ito ng kaunting pambili ng bigas o pangtuba bale pampalubag-loob, ay pati kaluluwa ay handang ibenta at kalimutan ang lahat, kaya yaon ang naging patakaran. At yaon ang Step 2.
Pag hindi pa sapat at bilang Step 3, ay adaanin naman na sa dahas at kamay na bakal. Ay sino baga ang akatakutan ng mga nasa poder na yaan kung hawak nila sa leeg ang militar, mga tutang pulitiko at gulping dami ng mga yaon, at mamamayang mistulang pahot na alipin ngani.
Pero may mga pambihirang pagkakataon pa rin pala na nagigising din naman kahit papaano ang mga Marindukenyo.
Nangyari ito ng gumawa ng isang kasuka-suka at karumaldumal na pang-aabuso at pangyuyurak sa kapuwa-tao itong si Gina O. Reyes, naturingang abogada, bilang kagilagilalas na pagpapakilala ng todo sa kanyang tunay na pagkatao. Nakaumang ang puwet at nakaplano ng panahong yaon ang Gina Reyes, anak ng Tuting at Carmencita Reyes, para angkinin ang posisyon bilang Gobernadora habang nakaupo sa Kongreso ang ina.
Iring masunod ang mga salaysay ng mga taong-Lupac, mga taong-Boac, mga taong-Simbahan, mga taong-Edukado at nabahala ng mga panahong iyon at marami pa sa kanila ang buhay. Nariyan ang mga pangalan, nariyan laang at hinding-hindi pa rin sila nakakalimot.
Ang mga kabataan naman ay hindi pa alam ang buong istoryang ito na naikumpara ng mga taga-Marinduque sa mga pangyayari noong panahon ng Hapon. Pagyurak ng tahasan sa karapatang-pantao - ito ang di-kalimot-limot at dakilang pamana ni Gina O. Reyes:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento