N A G K A K A I S A N G P A H A Y A G
16 Oktubre 1985
“Ang pagtatanggol sa mga karapatan ng tao ay isang hindi maiiwasang tungkulin ng Kaniyang misyon na pairalin ang katarungan at pagmamahalan ayon sa diwa ng Ebanghelyo.” (Church and Human Rights Pontifical Commission for Justice and Peace).
Ayon sa turong ito ng atng Simbahan, mahigit kaming nagpoprotesta laban sa kalungkot-lungkot na pangyayaring naganap sa ilan sa mga taong taga Tabigue at Lupac kaugnay ng nagawang nakawan sa bahay ni MP Carmencita Reyes. Bagamat ikinokondena naming ang pagnanakaw, higit naming kinokondena ang mga kasumpa-sumpang pamamaraang ginawa sa pagsisiyasat upang malaman ang salarin.
Sa malungkot na pangyayaring ito, lubos an gaming pakikiisa at pakikiramay sa mga biktima sa kanilang pagprotesta sa ginawang karahasan at paglapastangan sa kanilang dangal at karapatan bilang mamamayang Pilipino. (Tingnan ang kasamang sipi: Mga DAPAT MALAMAN NG MGA MAMAMAYAN NG MARINDUQUE). Ibig rin naming ipahayag ang aming mga sumusunod na paninindigan:
A. Mga Legal na Karapatan ng Tao
1. Hindi dapat arestuhin ang sinuman, maliban na lamang kung may ebidensya na naganap ang isang krimen at ang aarestuhin ay maaaring may kagagawan nito.
2. Hindi dapat arestuhin ang sinuman kung walang mandamiento de aresto na ipinalabas ng isang huwwes o ibang opisay na awtorisado ng batas, maliban na lamang kung siya’y nahuli sa akto ng paggawa ng isang krimen o gagawa pa lamang nito o pagkatapos lamang na gumawa nito; kung ang isang krimen ay naganap at may matibay na kadahilanan para paniwalaan na siya ang gumawa nito o kung siya ay tumakas sa bilangguan o pagkabinbin.
3. Malaman ang dahilan na pag-aaresto sa kanya at kung kanyang hingin, na ipakita sa kanya ang mandamiento de aresto at ang pahintulutan siyang basahn at suriin io.
4. Hindi dapat halughugin ang kanyang bahay nang walang “search warrant” na ipinapakita sa kanya na bigay ng isang huwes at hindi dapat kunin ang anumang bagay na hini nakasaad sa “search warrant. Ngunit kung siya’y inaarest, siya at ang malapit na kapaligiran ay maaaring halughugin o hanapan ng mga sandatang mapanganib at anumang ebidensyang matagpuan sa kanya o malapi na kapaligiran na nagpapatunay na siya’y gumawa ng isang krimen na siyang dahilan ng pagkaaresto sa kanya ay maaring kunin.
5. Ang isang “search warrant” ay maaaring ibigay lamang para sa bagay na ipinagbabawal ng batas (tulad ng mga drugs, hindi lisensiyadong armas) o mga bunga ng iang krimen (ninakaw nap era) o mga ginamit sa krimen (mga ginamit sa pagpapalsipika ng pera). Hindi maaring kunin ang ebidensya ng isang krimen.
6. Hindi dapat pilitin na magbigay ng ebidensya laban sa kanyang sarili.
7. Kung ipinasasailalim sa imbestigasyon ang manahimik at matulungan ng isang abugado.
8. Hindi kailanman pahirapan (torture) takutin o gamitan ng anumang pamamaraan na makakasira ng kanyang malayang kalooban, tulad ng mga gamut, truth serum at hypnosis.
9. Na isang batayang karapatan ng tao ay ang lahat ng kanyang karapatan tulad ng mga nabanggit sa itaas, ay mapangalagaan ng batas, isang proteksyong walang kinikilingan at naayon sa katarungan at mabisa. Nangangahulugan ito na sa harap ng batas, lahat ay pantay-pantay at anumang pamamaraang panghukuman ay dapat magbigay sa akusado ng karapatang makilala ang mga gumagawa ng akusasyon sa kanya at makagawa ng sapat na defense.
Dokumento ng Simbahan |
Sa aming mga kababayan, nananawagan ami na tayo ay magkaisa sa pagtataguyod at pagtatanggol sa ating mga karapatan. (Vigilance is the price of liberty). “Ang pagtataguyod at pagtatanggol ng mga karapatan at dangal ng tao ay ating sama-samang misyon at pananagutan bilang sambayanan ng Diyos. Ang Sambayanan ng Diyos o Simbahan ay tumanggap mula kay Kristo ng misyon na ipahayag ang Ebanghelyo na naglalaman ng isang panawagan sa lahat ng tao na talikuran ang kasalanan at balingan ang pagmamahal ng Ama, angpandaigdigang pagkakapatiran na bunga nito’y hinihingi sa atin na pairalin sa mundo ang katarungan. Dahil dito, ang Simbahan ay may karapatan at may tungkulin na ipahayag sa antas ng lipunan, bansa at daigdig ang katarungan at isumpa ang mga gawaing di makatarungan kung ang mga ito’y lumalabag sa mga batayang karapatan ng tao at hinihingi ito ng kanyang kaligtasan.
(Guadium et Spes, No. 36)
Sa mga nasa kapangyarihan, nananawagan kami na ang kapangyarihan ay para sa paglilingkod, at ang paglilingkod ay para sa pagtataguyod ng katarungan at kaunlaran ng lahat, lalo na ng mga dukha, api at salat. “Hindi dapat mangyari na ilan sa mga tao o grupo sa lipunan ay magtamo ng mga espesyal na kapakinabangan dahil sa ang kanilang mga karapatan ay higit na kinikilingan.” (Education for Justice, CBCP)
Nawa’y pagpalain ng poong Maykapal ang ating bayan at sa tulong ng ating Mahal na Ina ay isakatuparan nawa natin ang pagbubuo ng isang sambayanang ang naghahari ay katarungan, pagmaahalan at kapayapaan.
CONCERNED CATHOLICS FOR JUSTICE AND PEACE (CCJP)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento