Miyerkules, Pebrero 16, 2011

Pahayag ng mga Gising at Nabahalang Mamamayan ng Boac



BOAC ORGANIZATION OF AWARE AND CONCERNED CITIZENS
(B.O.A.C.)

ANG PANGYAYARI SA LUPAC: HAMON SA KONSENSIYA NG LALAWIGAN
Ang pangyayari sa Lupac ay dapat na magpamulat sa mga mamamayan ng Marinduque: ang Kalayaan at karapatan ay di dapat ipagwalang bahala. Ang mga ito ay knailangang pangalagaan at ipaglaban. At tanging ang mamamayan ang dapat kumilos upang ang mga ito ay galangin at bigyang halaga.
Ang pangyayari sa Lupac kung saan ang ating mga kapatid ay DINUSTA at INAPI, kung saan ang kanilang karapatang pantao (Human Rights) ay nilapastangan, ay dapat ding mangyari sa iba pa. Sa atin. Sa ating mga kamag-anak. Sa ating mga kaibigan. Maliban na lamang kung ang sambayanan ay isisigaw at
isasambulat ang kanilang poot na damdamin upang ang nasabing pang-aapi ay maulit na muli.
Aming kinokondena ang pang-aapi sa ating mga kapatid na tagaa Lupac. At kami ay nananawagan na gayon din ang gawin ng lahat ng mamamayan ng Boac at ng lahat ng buong lalawigan ng Marinduque.
Kung kaming mga kasapi ng “Samahan ng Nababahalang Mamamayan ng Boac (B.O.A.C) ay nakatulong ng kahit kaunti, sa maliit naming kakayahan, sa pagpapalaya n gating mga kapatid na taga Lupac, ito’y sa pagsasatupad lamang n gaming mithiin, layunin at paninindigan na ang pagpapaibayo ng mga karapatang pantao ay tungkulin ng bawat isang mamamayan.
                                                                                                                                                B.O.A.C.
Mga Pamunuan
Ricardo G. Nepomuceno, Jr.                                                       Antonio E. Barroro
Romulo Sto. Domingo                                                                  Salvador Larracas
Rey Cerezo                                                                                      Boy Santiago


P A G P A P A H A Y A G
I.                    Dahilan sa mga pangyayaring naganap sa Lupac na batid na ng lahat, aming napagtant na an gaming pagkakaisa lamang, higit sa lahat ng ano mang bagay, ang maaari naming asahan upang mapangalagaan an gaming mga karapatan na pinatitingkad n gaming panananalig sa Diyos at ng umiiral na batas.
II.                  Kaya kami ay nagbubuklod ng isan samahan na tatawaging “Kapisanan ng mga Taga Lupac na nagkakapit Bisig sa Katarungan” (KATABI KA) upang pagtibayin ang paninindigan at maipahayag an gaming pagkakaisa at pagbibigkis-bigkis.
III.                Dahilan dito, bilang isang nabuong pamayanan, kami’y naniniwala at aming nadarama na aming katungkulang paalalahanan ang mga nasasa-kapangyarihan na kanilang pangunahing tungkulin, sa harap ng Diyos at sa harap ng tao, na pangalagaan at igalang ang dignidad at karapatang pantao (Human Rights) ng bawat isang mamamayan at ang ipagtanggol ang lahat ng mamamayan maging mahirap o mayaman, lalong lalo na ang mahihirap, laban sa ano mang pang-aapi.
IV.                Sa layuning ito ng pagpupumilit na tupdin ng mga nasasa-kapangyarihan ang nasabing tungkulin, kami ay nananawagan sa lahat ng pangkat/sektor ng ating lipunan at humihingi ng kanilang tulong at suporta sa ikapagtataguyod nito.
                                                               
                                                                                                                                KATABI KA


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento