“…what happened thereat poses to them a grim reminder of the brutalities during the Japanese occupation. This is worse they said because the atrocity was committed not by the Japanese but by Filipinos against Filipinos… unless we condemn, resist and emphatically show our displeasure against the abuses we are discussing now in the strongest possible terms, we shall remain to be continuing victims of oppression from all quarters, because of our timidity and acquiescence by silence.” – Governor Aristeo M. Lecaroz (Speech before the Sangguniang Panlalawigan, October 28, 1985)
Sipi mula sa dokumento sa itaas tungkol sa karahasan sa Lupac, 1985
MGA DAPAT MALAMAN NG MGA MAMAMAYAN NG MARINDUQUE
Ang naganap sa Barangay Lupac, Boac, noong ika-11 ng Oktubre (1985) ay isang pangyayaring ni sa panaginip ay hindi dapat naganap sa ating hugis-pusong lalawigan.
Ayon sa mga ulat ay may naganap na nakawan sa malaking bahay na bato sa Lupac na pag-aari ni Delegada Carmencita O. Reyes...
Ang hinaing ng mamamayan ng Barangay Lupac ay ito:
1. Alas 12:00 ng gabi, Biernes matapos malaman na may naganap na nakawan ay limang bahay ang pinasok at hinalughog ni Maxi Pena – panauhin sa malaking bahay, ng wala namang dalang “search warrant” o ni kasamang isa mang authoridad.
2. Bago maganap ang paghahalughog, si Nolan Lanete, isang 14 na taong gulang ay tatlong ulit na inilublob sa dagat ni Maxi Pena at hinayaang naroon sa tabing dagat ng may isang oras sa lamig ng gabi (kasamang sipi).
3. Linggo ng umaga, ang isa sa mga katulong sa malaking bahay na si Pecifico Hilario ay sinuntok, tinadyakan, pinalo ng puluhan ng baril sa kaliwang balikat at hindi pa nasiyahan ay iinilad mula 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon sa arawan sa tabi ng aplaya.
4. Si Elvira Monteras, isang pinagkakatiwalaan ni Delegada Carmencita O. Reyes nang mahigit na 15 taon na ngayon ay tatlong ulit na sinampal at tinadyakan sa panga ng nasabi rin na si Maxi Pena.
5. Si Reynaldo Mabato, isang suspect na taga Mainit, ay hinuli sa pamilihang bayan at nang ayaw sumama ay kinarati at sinakal ng isang nagngangalang Ninoy Mascarenas.
6. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga nabanggit na mga katulong sa malaking bahay at iba pang hindi nabanggit ay nakakulong pa sa komandansya simula pa noong Linggo na sa sandaling ito ay may apat na araw na o 96 oras na ngayon.
Ang iba pang detalye ng Karahasan sa Lupac ay mababasa sa:
PAKIKIISA NG SIMBAHAN
DEMOCRACY O DEMO-CRAZY, JUSTICE O JUST-TIIS
KAMI'T BINILAD AT PINAHIRAPAN SA LUPAC
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento