Lunes, Disyembre 3, 2012

Mga panglilinlang ni Gina O. Reyes ng Marinduque

NAKAUMANG NA ANG KAMAY DAHIL ATAT NA SA PAGKAMAL NG SALAPI NG BAYAN?

Si Regina, Regina Victoria o Gina Ongsiako Reyes Mandanas. Daw ferris wheel sa pagpalit-palit ng pangalan, kapanganakan, estado, tirahan, nationality at asawa.  Marapat na magsampa na ng kasong Falsification of Public Documents baga ang tawag dun para kulong agad yan.
Anong malaking sikreto ang inapakatago-tago ng babaing ito kaya’t pabago-bago ang pangalan, kapanganakan at tirahan at kung anu-anu pa?
Garantisadong dahil sanay na ngani ang mag-inang ito sa panglilinlang sa kanilang mga nasasakupan sa tulong ng kanilang mga kampon kaya. Kayang-kaya nilang bilugin ang mga ulo ng mga timawa, garantisadong nasanay na rin sa pamemeke ng mga personal na dokumento itong si Regina Victoria na kandidato pala sa pagkakongresista. Aba ay tama lamang na kilatisin at kilalanin bago makaisa wari ano.
Pinanganak itong babaing ito na ang pangalan ay Regina Victoria Ongsiako Reyes. Ipinanganak noong July 8, 1959, sa Maynila. Pagkalipas ng tatlong taon  ay sumipot naman itong si Edmundo Reyes, Jr. na ayon sa profile ng ina na sinumite nila sa League of Provinces, ang bunsong Edmundo ay ipinanganak noong 1962. (Na hindi rin totoo lalo pa’t inagapilitan ngayon ng taong ito na siya ay ipinanganak noong 1964). Pinangalandakan sa buong mundo at maliwanag na si Edmundo ang bunso sa mga anak nina Carmencita O. Reyes at Edmundo M. Reyes, Sr. (Na ngayon ngani ay inapalabas na si Gina ang bunso anu na).
1959 IPINANGANAK, 1960 NAMAN SA PROFILE NG INA, (BALE IKATLO SA MAGKAKAPATID), NGAYON NAMAN AY 1964 NA (PARA LUMABAS NA SIYA ANG BUNSO AT HINDI SI EDMUNDO, JR.)
Taong 1982 ay abugada na siya at kilala sa pangalang Gina at naging pangunahing sangkot ng taong iyon, 1982, sa krimen na naganap sa Lupac na kung saan ang mga taga Lupac ay daw panahon ng Hapon na hinalughog ng Ginaang mga kabahayan na  kasama ng kanyang mga goons sa katahimikan ng gabi ng walang ano-ano mang search warrant dahil sa diumano ay nawawalang gold watch na pag-aari ng ama ng Gina. Sindak ang buong barangay mandin.
Nang walang nakitang gold watch ay mala-panahon ng Hapon pa rin mandin na binabad nakalubog sa dagat ang ilang mga taga-Lupac na kanilang suspect, at ang ibang babae kasama na ang kanilang mga katulong at lalaking suspect naman ay binabad sa init ng araw buong araw ng walang pagkain at tubig. Pag pumiyok, bugbog.
ISANG PAHINA LAMANG PALA ITO SA KAHINDIK HINDIK NA KRIMEN LABAN SA MGA TAGA-BARANGAY LUPAC NA GINAWA NI GINA O. REYES (ANG NAGA ATE-ATEHAN NGAYON)
Nagulantang mandin ang mga taga Marinduque sa pang-aaping ginawa ng Gina at mga goons niya at buong lalawigan ay nagsamok sa ganung uri ng karahasang hindi kayang gawin ng taga-rito. Nagprotesta din ang mga pari ng Simbahan, ang mga paladasal at ang mga opisyales ng probinsya simula Governor ay nag-ingay sa mikropono ng Sangguniang Panglalawigan. Si Gov. Aris Lecaros pa ay hindi nito apalampasin ang ganung uri ng pang-aapi lalo na sa mga mahihirap nung panahong yun at dokumentado lahat yan ngani.
Nagprotesta ang daan-dang tao sa harapan ng Kapitolyo at Kampo para mabigyan ng Hustisya ang mga sinaktan, pinahirapan, pinagmumura at inapi. Doon unang sumikat ang pangalan ni Gina Reyes bilang isang arogante, mapangmata at mapang-api sa mga mahihirap at dukha.
Pinaikot-ikot laang naman ni Delegadang Ina ang mga nagreklamo hanggang sa sila ay mahilo at tumahimik na laang.
Kinalaunan ay nalaman na lamang na nagpa-Amerika na laang ang Gina para doon na magtrabaho at mamuhay. Humigit-kumulang 15 taon ang inilagi hanggang naaprubahan ang kaniyang petition para maging AMERICAN CITIZEN na at doon mag-practice bilang abogada.

Ngayon naman ay hinimok ng kanyang Ina para tuloy-tuloy ang kanilang pagpapayaman sa puwesto sa gubyerno sa pamamagitan ng panglilinlang at gawaing kurap at ma-anumalya. Inappoint kaagad bilang Provincial Administrator si Gina ng Ina nito na governadora. Subalit mahirap pagsamahin sa isang opisina ang dalawang babaeng parehong tuso kaya palaging hindi magkasundo ang dalawa. Ilang buwan pa lamang ay nag-file na kaagad ng leave of absence ang Gina at bumalik na sa Amerika. Ipinakalat pa mandin ng Gina ang katotohanan na siya ay nag-resign na ngani bilang administrator.

Sa kabuuhan ay ano ang nagawa ni Gina sa maikling panahon ng kanyang panilbihan sa inayawan niyang posisyon bilang administrador kundi wala. Wala kundi tila magplano, mag-isip kung paano siya magkakamal ng limpak-limpak na salapi mula sa pera ng bayan. Wala naman talagang balaking manilbihan kundi gamitin ng libre ang mga pasilidades ng kapitolyo sa kanyang planong pagkandidato ngani. Libreng-sakay kumbaga wala pa sa puwesto ha.   


Urong-sulong, sulong-urong ang nangyari dahil sa pagmumulto kay ‘Gina O. Reyes’ ng mga multo ng karahasan sa Lupac na hinding-hindi makalimutan ng mga Marinduquenong nakasaksi at nakarinig sa mga krimen nung mga panahong iyun ng Martial Law pa. ‘Inasuka namin yan!’, sabi ng isa. ‘Hindi namin makalimutan habang-buhay ang karumaldumal na ginawa ng babaing yan sa mga kamag-anak naming sa Lupac’, sabi ng isa pa. ‘Ang lakas ng loob bumalik dito na wala namang maramdaman ni kamag-anak niya kung siya ay taga-rito dahil iba ang kinagisnan, palit-pangalan, palit-kapanganakan, palit-asawa, palit-palit!’  'Gasimula pa laang sa pulitika ay puro peke na ang pagkatao!'


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento