Huwebes, Mayo 19, 2011

Ibagsak ang Kurap at Nangurakot sa Bayan: P 728-Milyon lahat!

Dapat ay sa mga mahihirap na magsasaka napunta
Hindi sa gulping kakapal na at mabibigat na bulsa!
Sakim at ganid baga ngani ang tawag doon?
O Ina ng Dilim, Unos at Alimuom?

Ex-government officials in fertilizer scam post bail
By Michael Punongbayan (The Philippine Star) May 17, 2011

MANILA, Philippines - Three former ranking government officials accused of involvement in the so-called fertilizer fund scam of 2004 posted bail in different amounts at the Sandiganbayan yesterday.
Former Catanduanes governor Leonardo Verceles Jr., who is facing one graft case, paid P30,000 in exchange for his temporary liberty.

Former lawmakers Nanette Castelo-Daza of Quezon City and Carmencita Reyes of Marinduque, on the other hand, posted bail in the amount of P60,000 each since they are also facing technical malversation charges apart from alleged violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

They were the first of many respondents to show up at the anti-graft court after the cases against them were raffled off to different Sandiganbayan divisions on Friday. Verceles, Reyes and Daza were among those who were identified as supposed beneficiaries of missing fertilizer funds.

The Office of the Ombudsman ordered the filing of charges against them last month after years of conducting an investigation into the alleged anomaly involving P728 million in public funds. The anti-graft agency also ordered the filing of plunder charges against former agriculture secretary Luis Lorenzo and former undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante.

However, the Office of the Special Prosecutor (OSP), the prosecutorial arm of the Office of the Ombudsman, has decided not to file the cases yet because both respondents filed motions for reconsideration of the resolution that found probable cause to indict them in court.

Deputy Special Prosecutor Jesus Micael said Reyes and Daza’s graft and technical malversation cases went to the Sandiganbayan First and Third Divisions, respectively, while the graft case against Verceles also went to the First Division.

He said all three posted bail even though the anti-graft court is yet to issue warrants for their arrest.
Micael has not scheduled arraignment dates.

In its Resolution, the Office of the Ombudsman said P56.64 million of the P728 million in fertilizer funds transferred to the regional field units remain unaccounted for, which is “proof of diversion, misappropriation, misuse, or malversation of public funds

Miyerkules, Mayo 18, 2011

SCAMMERS daw oh! Ga-ABONO wari kita!


FERTILIZER 'SCAMMERS' FALL!
(Clockwise from extreme left) Representatives Carmencita Reyes, Nanette Daza, Oscar Gozos and Federico Sandoval)

Lawmakers face graft raps before Sandiganbayan

By John Constantine G. Cordon, Reporter

A TOTAL of 25 counts of graft, malversation and illegal use of public funds have been filed before the Sandiganbayan over the alleged P728-million fertilizer fund scam against four lawmakers and a number of regional executive directors of the Agriculture department.

Informations transmitted by the Office of the Ombudsman to the anti-graft court showed that former Representatives Oscar Gozos (Fourth District of Batangas), Federico Sandoval (Lone District of Navotas City in Metro Manila), Nanette Daza (Fourth District of Quezon City) and Carmencita Reyes (Lone District of Marinduque) were slapped with charges of violations of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act and illegal use of public funds (technical malversation).

The Office of the Ombudsman charged each lawmaker for allegedly receiving cash that was part of the P728-million fertilizer fund allocation under the Ginintuang Masaganang Ani of then-President and now Rep. Gloria Arroyo of the Second District of Pampanga.

Reyes allegedly received P5 million and the three other lawmakers, P3 million each, which all of them used, as purchase orders showed, to buy agricultural equipment such as wood shredders and chippers.
The money was allegedly disbursed from the Agriculture department to regional executive directors who handed the cash to the lawmakers.

The cash was reportedly used to fund the campaign kitty of Mrs. Arroyo when she ran for president in the 2004 elections, which she eventually won.

The Ombudsman found out that former Agriculture Undersecretary Joceyln “Joc-Joc” Bolante orchestrated the disbursement of the fertilizer fund with the approval of then-Agriculture Secretary Luis Ramon “Cito” Lorenzo.

The regional directors of the Agriculture department who were also charged with graft and malversation were Sumail Sekak (Cotabato City), Leo CaƱeda (Tacloban City), Dennis Araullo (Quezon City), Oscar Parawan (Zamboanga City), Cesar Rodriguez (San Fernando City), Roger Chio (Davao City), Eduardo Lecciones (Tagbilaran City Unit 7) and Ricardo Oblena (Tagbilaran City Unit 6).

During an earlier interview, acting Ombudsman Orlando Casimiro said that the filing of the charges before the Sandiganbayan took time because of the fact-checking process that the Office of the Special Prosecutor (OSP) undertook.

The Office of the Ombudsman affirmed the filing of the charges on April 15. But only on May 6 did the OSP transmit the charges to the Sandiganbayan. At press time, only the graft and malversation charges against the four lawmakers and the regional executive directors of the Agriculture department were sent to the anti-graft court.

Galing sa: manilatimes.net

Sabado, Marso 19, 2011

Gadelubyo baga?


Sino baga ang nagdala ng minahang Marcopper sa Marinduke at pinagtatakot ang mga taong makontra noon pa. Ay sino naman ang makontra sa panahon ng kamay na bakal mandin na tinaguring Martial Law. Ay gulping tatakot mandin nina manong at manang at nagapangsigaw daw yung may mangkukulam na mukha noon pa mandin. Ay ano ngayun, nakaumang mandin sa ulunan ng mga taga Marinduke na anu mang oras na dumating ang mahabang pag-ulan ay mabaha at madagundong sa mga ulo natin yung mga pinag-imbakan ng mga tilings sa Magilagila mandin. Ga-delubyo daw mandin. Laang ay ulilang pahot ang hitsura ng mga Marinduke pag napag-usapan na ang tungkol kay Marcopper. Maasa na laang daw sa iba kung ano ang dapat gawin at wala ngani daw kitang magagawa. Lampas ng tatlumpung taon na manding inapaulit-ulit ng mga taga Marinduke ang "wala kitang magagawa".

Ay dangan na ngani ng magdelubyo at baka sakaling matauhan sina manong at manang baya naman. Dun laang naman makibut ay, pag may nalunod o natabunan ng lupa na. Mandin naman.

Miyerkules, Marso 9, 2011

Ligwak Minang Lason sa Mogpog River ay panuura na laang


Tailings sa Mogpog River ito. Kuha ni Karen Ilagan.

Ay ina naman. 15 taon na ngay-un matapos ang sakunang gawa ng minahang Marcopper ay milyon-milyong tonelada pa mandin ang nakahimlay sa Mogpog River, Calancay Bay at Boac River.

Ay ano ang ginawa ng mga tao sa mga pulitikong nagprotekta sa minahan mula ng hukayin ang Tapian mga 1975 aber?
Hinirang nila na sandalan daw.
Hala at manatiling alipin ng mga reyna at nakaumang na ang prinsesitang nagatapang na at nagapang-uto na ngayun pa laang.
Yano na ari.

"Panalangin ko talaga ay gumunaw uli at lunurin uli ng baha galing sa Maguilaguila Dam na nakaumang na mandin sa mga tulug-tulugin. Baka sakali na doon pa laang magising ang mga tau-tauhan sa pagkahimlay. Apat na dekada na yuun, Lolang Biring! Tumigil na ngani kanganganga si Tatang Kadyo at galisin na sa kapangisda sa Calancan!"


.

Biyernes, Marso 4, 2011

Scam ni Carm

Ay yano namang liwanag mandin na inireport pa ng Manila Bulletin ang pangungurakot daw ni Carmencita Reyes, gubernadura ng Marinduque ngayun na kasabuwat pala sa fertilizer scam. Ay paanu naman ay wala naman gaanung peryodiko sa Marinduque at pag ganyan ang balita ay inaharang mandin. Pag apakita sa tv may gautos naman na pag-brown out ta. Mandin bagay.:
Fertilizer fund scam
By SHIANEE MAMANGLU - mb.com.ph
July 9, 2010, 3:55pm

The Office of the Ombudsman (OmB) will summon former Agriculture Secretary Luis Lorenzo and involved personalities in the alleged fertilizer scam to shed light in its on-going inquiry.
The development came after the OmB’s Field Investigation Office (FIO) filed on Friday a Supplemental Complaint Affidavit, which included Lorenzo as among those who should be subpoenaed.
The affidavit named respondents in the case as Lorenzo and former Agriculture undersecretary Jocelyn “Joc-joc’ Bolante for violation of Article 217 of the RPC (Malversation of Public Funds of Property) and Sec. 3 (e) of RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act); and Belinda and Emma Gonzales for violation of article 220 of the RPC (Technical Malversation) and Sec. 3 (e) and (g) of RA 3019.
Bolante was also charged for Violation of Art 171 of the RPC (Falsification by Public Officer) and violation of Sec. 3 (b) of RA 3019
In an earlier complaint filed by the Task Force Abono of the OMB-FIO, the following were charged with Technical Malversation, Violation of Sec. 3(e) and (g) of RA 3019, and for Dishonesty, Grave Misconduct and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service under Section 46, Chapter 7, Title I, Book V of Executive Order No. 292 (Administrative Code of 1987): Carmencita Reyes, Araullo, Balagtas Torres, Juvylee Obice, Rodolfo Guieb, Mari Paz Jazmine Cabucol, Raymundo Braganza, Abelardo Bragas, Felix Ramos, Ofelia Montilla and Gregorio Sangalang.

The taskforce conducting a fact-finding investigation into the Fertilizer Fund Scam is still trying to identify other personalities involved in the anomaly, it was learned.


Huwebes, Marso 3, 2011

Carmencita Reyes Sa Fertilizer Scam


Kaw-awa naman baya si Mirciditas Gutierrez ng OMBUDSMAN. Paano naman ay anung tagal na ngani naman ng pag-risulba ng fertilizer scam na walang kagatul-gatul manding pinangalanan si CARMENCITA O. REYES bilang kongreswuman ng panahon na iyon na isa sa mga nangurakot. At sa mga pinaratangan ay siya daw ang may pinakamalaking nakurakot. Galukuhan pa kita na ang mayaman ay hende gakurakot. Ano ka hilo?

Ay galing pa mandin sa GMA NEWS ONLINE hala raw, tangging-bingi ang gaw-a:

Ombudsman files complaints over fertilizer scam


MANILA, Philippines - The Office of the Ombudsman has filed a complaint against public officials allegedly involved in the multimillion-peso fertilizer fund scandal.

The agency’s Task Force Abono (fertilizer) charged Quezon City Rep. Nanette C. Daza (4th district), Marinduque Rep. Carmencita O. Reyes, former Malabon-Navotas Rep. Federico S. Sandoval II and former Batangas Rep. Oscar L. Gozos for illegal fund use.

In a press conference, Assistant Ombudsman Jose T. de Jesus, Jr. said the fact-finding committee found sufficient evidence that of the P728-million budget for farm inputs/implements program, P14 million was spent for farm implements not included in the Ginintuang Masaganang Ani rice program.

In addition, the Commission on Audit (CoA) found out cheaper items that were then available from other suppliers. Mr. de Jesus said this constitutes technical malversation.

The purchases did not undergo bidding under the Government Procurement Reform Act, which, Mr. de Jesus said, constitutes technical malversation.

Other respondents were Agriculture officials Dennis B. Araullo, Balagtas J. Torres, Juvylee C. Obice, Rodolfo M. Guieb, Marie Paz Jasmine C. Cabucol, Raymundo E. Braganza, Abelardo Bragas, Felix Ramos, Ofelia Montilla and Gregorio Sangalang.

Private respondents included officials from the LCV Design and Fabrication Corp., namely, Linus C. Villanueva, Remus C. Villanueva, Phydias B. BaƱez, Fernando F. Gallarte and Frederico B. Quevedo.

Similar complaints have been served for former Agriculture Undersecretary Jocelyn "Joc-Joc" I. Bolante, former Agriculture secretary Luis P. Lorenzo and incumbent Agriculture Secretary Arthur C. Yap.

The investigation stemmed from allegations that Mr. Bolante diverted funds for the Agriculture department’s rice program to allies of President Gloria Macapagal-Arroyo to ensure her election in 2004 presidential elections.

House probe

Meanwhile, the House committee on agriculture issued invitations to Mr. Bolante, Budget Secretary Rolando G. Andaya, former Budget secretary Emilia T. Boncodin, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas Secretary-General Danilo Ramos, CoA Chairman Reynaldo A. Villar and Agriculture Undersecretary for finance Belinda A. Gonzales to attend Wednesday’s hearing on the fertilizer fund case.

Speaker Prospero C. Nograles said the separate probe will seek to plug loopholes in agriculture-agrarian law. — J. F. S. Valdez, BusinessWorld

Miyerkules, Marso 2, 2011

Pamana



Ano na iri hindi talaga baya apigilan ang natural na lukso ng puday. Kailangan baya namang ipakita sa buong kaharian ng Marindukduk kung sino ang Reina. Tiniyak pa ng nakaakmang gamana daw sa trono ng ina na iparating sa Gubernadura ang walang ka torya-toryang kuwento na may kinalaman sa isang ritratong nakakuwadro sa opisina ni Villa Julao ng provincial hospital na may gulang na rin at hindi na kailangang turuan kung ano ang tama at mali.

Sinumbong ng anak na babae sa inahin na may larawan ngani ang kasalukuyang Congressman ng Marindukduk. Pinatawag kaagad ng matandang ina ang Villa at pinagmumura mulo ulo hanggang paa. Ang sabi ng matanda: Punitin mo yan sa harapan ko ngayon din!

Ngayon alam mo na kung ano ang ibig sabihin ng byaheng-amo? Hindi maliwanag kung pinunit ng babae ang larawan na ang paglalagay ng mga larawan ng mga opisyales ay sakop ng mga kaukulang regulasyon.

Anong regulasyon regulasyon ako ang batas! Ngisi naman sa isang tabi ang anak at hindi mapigilan baya ang humagikhik. Ay ano na.

Yan ang pamana. Nagsimula pa sa Lupac at tuloy-tuloy hanggang sa kasalukuhan. Demoralisadon daw ang mga empleyado sa pangyayari dahil isa sa kanila ang nabiktima ng kabuktutan. Awan laang baya ngani bagay.

Miyerkules, Pebrero 23, 2011


Larawan ng bahagi ng Calancan Bay, Sta. Cruz, Marinduque
Kuha ni Alex Felipe.

Whispering Waves ni Donna Summer

By the shore of the sea searching for his memory
Sifting sand through my hand weighing what he means to me
In the early morning haze seagulls seem to cry my pain
And ocean feels it too sighs his name on whispering waves.

Lunes, Pebrero 21, 2011

DEMOCRACY O DEMO-CRAZY, JUSTICE O JUST-TIIS


MGA DAPAT MALAMAN NG MGA MAMAMAYAN NG MARINDUQUE
Ang mga pangyayari:
Ang naganap sa Barangay Lupac, Boac, noong ika-11 ng Oktubre (1985) ay isang pangyayaring ni sa panaginip ay hindi dapat naganap sa ating hugis-pusong lalawigan.
Ayon sa mga ulat ay may naganap na nakawan sa malaking bahay na bato sa Lupac na pag-aari ni Delegada Carmencita O. Reyes.
Kung mayroon man na nangyari o wala ay hindi pa matiyak hanggang ngayon sapagkat tuloy pa ang imbestigasyon.
Ang hinaing ng mamamayan ng Barangay Lupac ay ito:
1.       Alas 12:00 ng gabi, Biernes matapos malaman na may naganap na nakawan ay limang bahay ang pinasok at hinalughog ni Maxi Pena – panauhin sa malaking bahay, ng wala namang dalang “search warrant” o ni kasamang isa mang authoridad.
2.       Bago maganap ang paghahalughog, si Nolan Lanete, isang 14 na taong gulang ay tatlong ulit na inilublob sa dagat ni Maxi Pena at hinayaang naroon sa tabing dagat ng may isang oras sa lamig ng gabi (kasamang sipi).
3.       Linggo ng umaga, ang isa sa mga katulong sa malaking bahay na si Pecifico Hilario ay sinuntok, tinadyakan, pinalo ng puluhan ng baril sa kaliwang balikat at hindi pa nasiyahan ay iinilad mula 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon sa arawan sa tabi ng aplaya.
4.       Si Elvira  Monteras, isang pinagkakatiwalaan ni Delegada Carmencita O. Reyes nang mahigit na 15 taon na ngayon ay tatlong ulit na sinampal at tinadyakan sa panga ng nasabi rin na si Maxi Pena.
5.       Si Reynaldo Mabato, isang suspect na taga Mainit, ay hinuli sa pamilihang bayan at nang ayaw sumama ay kinarati at sinakal ng isang nagngangalang Ninoy Mascarenas.
6.       Hanggang sa kasalukuyan, ang mga nabanggit na mga katulong sa malaking bahay at iba pang hindi nabanggit ay nakakulong pa sa komandansya simula pa noong Linggo na sa sandaling ito ay may apat na araw na o 96 oras na ngayon.
SINO ANG MGA GUMAWA NG KARAHASANG ITO?
1.       Maxi Pena – Sino ang taong ito?
2.       Gina Reyes – Abogada
3.       Severino Mascarinas, Jr. – Punong Barangay Bantad at CHDF daw.
4.       Sgt. Meleco Terrible – PC – Body Guard, Driver
5.       Pat. Tekboy Manrique – PC-INP
6.       Edito Racelis – Driver, District Engineer, MPWH, CHDF daw.
7.       At iba pang taong hindi nakikilala.
ANG MGA NAGING BIKTIMA
1.       Pacifico Hilario – Ang sinuntok sa ilong at kinuryente sa siko, at ibinilad sa aawan ng limang oras.
2.       Nolan Lanete – 14 na anyos – inilublob nang tatlong ulit sa dagat.
3.       Elvira Monteras – tatlong ulit na sinampal at tinadyakan sa panga.
4.       Reynaldo Mabato – Kinaratii at sinakal ni Ninoy Mascarinas, Jr.
5.       Isagani at Rustico Mabato – Hinalughog ang bahay at sinaktan.
MGA HINALUGHOG ANG BAHAY
1.       Mr. & Mrs. Ambrosio Maano
2.       Mr. & Mrs. Bienvenido Maliksi
3.       Mr. & Mrs. Cecilio Monteras
4.       Mr. & Mrs. Efren Monteras
5.       Mrs. Mercedes Pedragoza
MGA KATANUNGAN
1.       T ayo ba’y nabubuhay sa isang bansang DEMOCRACY O DEMO-CRAZY na may JUSTICE O JUST-TIIS?
2.       Muli bang nagbalik ang panahon ng hapon sa ating lalawigan?
3.       Binigyang-pansin ba naman ng mga kinauukulan ang mga hinaing at sakit ng mga biktima?
4.       Ito ba’y simula ng ating pagpapabaya para ito’y lalong lumala?
5.       Ang hangad ba natin ay kalayaan o karahasan?
KATARUNGAN PARA SA KANILANG MGA NAAPI
KATARUNGAN PARA SA MARINDUQUE
Dapat lamang na bumuo ng isang FACT-FINDING COMMITTEE na ang mga kinatawan ay galling sa pamahalaan, Integrated Bar, Religious Sector at Civic Organization nang sa gayon ay malaman ang pawing katotohanan at maipagsakdal ang mga nagkasala at maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa BATAS.
NABABAHALANG MAMAMAYAN NG MARINDUKE

GISING NA BAYAN!

Pakikiisa ng Simbahan


N A G K A K A I S A N G    P A H A Y A G
16 Oktubre 1985
“Ang pagtatanggol sa mga karapatan ng tao ay isang hindi maiiwasang tungkulin ng Kaniyang misyon na pairalin ang katarungan at pagmamahalan ayon sa diwa ng Ebanghelyo.” (Church and Human Rights Pontifical Commission for Justice and Peace).
Ayon sa turong ito ng atng Simbahan, mahigit kaming nagpoprotesta laban sa kalungkot-lungkot na pangyayaring naganap sa ilan sa mga taong taga Tabigue at Lupac kaugnay ng nagawang nakawan sa bahay ni MP Carmencita Reyes. Bagamat ikinokondena naming ang pagnanakaw, higit naming kinokondena ang mga kasumpa-sumpang pamamaraang ginawa sa pagsisiyasat upang malaman ang salarin.
Sa malungkot na pangyayaring ito, lubos an gaming pakikiisa at pakikiramay sa mga biktima sa kanilang pagprotesta sa ginawang karahasan at paglapastangan sa kanilang dangal at karapatan bilang mamamayang Pilipino. (Tingnan ang kasamang sipi: Mga DAPAT MALAMAN NG MGA MAMAMAYAN NG MARINDUQUE). Ibig rin naming ipahayag ang aming mga sumusunod na paninindigan:
A.      Mga Legal na Karapatan ng Tao
1.       Hindi dapat arestuhin ang sinuman, maliban na lamang kung may ebidensya na naganap ang isang krimen at ang aarestuhin ay maaaring may kagagawan nito.
2.       Hindi dapat arestuhin ang sinuman kung walang mandamiento de aresto na ipinalabas ng isang huwwes o ibang opisay na awtorisado ng batas, maliban na lamang kung siya’y nahuli sa akto ng paggawa ng isang krimen o gagawa pa lamang nito o pagkatapos lamang na gumawa nito; kung ang isang krimen ay naganap at may matibay na kadahilanan para paniwalaan na siya ang gumawa nito o kung siya ay tumakas sa bilangguan o pagkabinbin.
3.       Malaman ang dahilan na pag-aaresto sa kanya at kung kanyang hingin, na ipakita sa kanya ang mandamiento de aresto at ang pahintulutan siyang basahn at suriin io.
4.       Hindi dapat halughugin ang kanyang bahay nang walang “search warrant” na ipinapakita sa kanya na bigay ng isang huwes at hindi dapat kunin ang anumang bagay na hini nakasaad sa “search warrant. Ngunit kung siya’y inaarest, siya at ang malapit na kapaligiran ay maaaring halughugin o hanapan ng mga sandatang mapanganib at anumang ebidensyang matagpuan sa kanya o malapi na kapaligiran na nagpapatunay na siya’y gumawa ng isang krimen na siyang dahilan ng pagkaaresto sa kanya ay maaring kunin.
5.       Ang isang “search warrant” ay maaaring ibigay lamang para sa bagay na ipinagbabawal ng batas (tulad ng mga drugs, hindi lisensiyadong armas) o mga bunga ng iang krimen (ninakaw nap era) o mga ginamit sa krimen (mga ginamit sa pagpapalsipika ng pera). Hindi maaring kunin ang ebidensya ng isang  krimen.
6.       Hindi dapat pilitin na magbigay ng ebidensya laban sa kanyang sarili.
7.       Kung ipinasasailalim sa imbestigasyon ang manahimik at matulungan ng isang abugado.
8.       Hindi kailanman pahirapan (torture) takutin o gamitan ng anumang pamamaraan na makakasira ng kanyang malayang kalooban, tulad ng mga gamut, truth serum at hypnosis.
9.       Na isang batayang karapatan ng tao ay ang lahat ng kanyang karapatan tulad ng mga nabanggit sa itaas, ay mapangalagaan ng batas, isang proteksyong walang kinikilingan at naayon sa katarungan at mabisa. Nangangahulugan ito na sa harap ng batas, lahat ay pantay-pantay at anumang pamamaraang panghukuman ay dapat magbigay sa akusado ng karapatang makilala ang mga gumagawa ng akusasyon sa kanya at makagawa ng sapat na defense.

Dokumento ng Simbahan

Sa aming mga kababayan, nananawagan ami na tayo ay magkaisa sa pagtataguyod at pagtatanggol sa ating mga karapatan. (Vigilance is the price of liberty).Ang pagtataguyod at pagtatanggol ng mga karapatan at dangal ng tao ay ating sama-samang misyon at pananagutan bilang sambayanan ng Diyos. Ang Sambayanan ng Diyos o Simbahan ay tumanggap mula kay Kristo ng misyon na ipahayag ang Ebanghelyo na naglalaman ng isang panawagan sa lahat ng tao na talikuran ang kasalanan at balingan ang pagmamahal ng Ama, angpandaigdigang pagkakapatiran na bunga nito’y hinihingi sa atin na pairalin sa mundo ang katarungan. Dahil dito, ang Simbahan ay may karapatan at may tungkulin na ipahayag sa antas ng lipunan, bansa at daigdig ang katarungan at isumpa ang mga gawaing di makatarungan kung ang mga ito’y lumalabag sa mga batayang karapatan ng tao at hinihingi ito ng kanyang kaligtasan.
(Guadium et Spes, No. 36)
Sa mga nasa kapangyarihan, nananawagan kami na ang kapangyarihan ay para sa paglilingkod, at ang paglilingkod ay para sa pagtataguyod ng katarungan at kaunlaran ng lahat, lalo na ng mga dukha, api at salat. “Hindi dapat mangyari na ilan sa mga tao o grupo sa lipunan ay magtamo ng mga espesyal na kapakinabangan dahil sa ang kanilang mga karapatan ay higit na kinikilingan.” (Education for Justice, CBCP)
Nawa’y pagpalain ng poong Maykapal ang ating bayan at sa tulong ng ating Mahal na Ina ay isakatuparan nawa natin ang pagbubuo ng isang sambayanang ang naghahari ay katarungan, pagmaahalan at kapayapaan.
CONCERNED CATHOLICS FOR JUSTICE AND PEACE (CCJP)



Sabado, Pebrero 19, 2011

Kami'y Binilad at Pinahirapan sa Lupac


ANG PAG-ENTRADA NI GINA O. REYES SA PULITIKA NG MARINDUKE.

                “…what happened thereat poses to them a grim reminder of the brutalities during the Japanese occupation. This is worse they said because the atrocity was committed not by the Japanese but by Filipinos against Filipinos…  unless we condemn, resist and emphatically show our displeasure against the abuses we are discussing now in the strongest possible terms, we shall remain to be continuing victims of oppression from all quarters, because of our timidity and acquiescence by silence.” – Aristeo M.  Lecaroz (Speech before the Sangguniang Panlalawigan, October 28, 1985)

                1985. Mga huling kapanahunan ng Martial Law ngani. Mahabang panahon mandin yoon ng pagpakita at pagparamdam lalo na sa mga taong inaturingang “simple” na sila ay dapat na lamang manatiling simple. Ibig sabihin ay mga taong dapat manatiling kimi at tahimik, na hindi dapat makialam sa anumang mga pangyayari sa paligid at patuloy na tanggapin na laang kung ano ang pakalat at pang-aabuso ng nasa kapangyarihan at kanilang mga kaanak.
                “Mahirap laang kita ay, wala kitang magagawa”, ito ang inapagduldulan na dapat maging permamenteng bukambibig. Ito laang dapat sa mga taong simple. Paano’y hala, delikado pag natutong mag-isip-isip ang mga tao, mahirap na raw.
                Yano mandin ay kainamang lugar ang maliit at tahimik na Marinduque para sa gustong maghari at magreyna habang buhay. Aanim na bayan laang ang aikutin at apaikutin, ay yanong dali.  Perpektong lugar ito para gawing sariling palaruan ng iisang pamilya lamang – habang panahon at magpakailan man kung ari.
                Madali laang mandin. Dahil kilala sa pagiging dukha, salat at maralita ang karamihan sa mga taga-Marinduke, kaunting paninindak at pagparamdam laang ng mga abusadong sistema ng mga nagaharing-uri ay sapat na. Sindak na sindak. Natuto kay Marcos ay.
              Pananakot, una,  dahil matatakutin ngani ang mga taong ‘simple’, at pag hindi natakot ay apakitaan laang ang mga ito ng kaunting pambili ng bigas o pangtuba bale pampalubag-loob, ay pati kaluluwa ay handang ibenta at kalimutan ang lahat, kaya yaon ang naging patakaran. At yaon ang Step 2.
                Pag hindi pa sapat at bilang Step 3, ay adaanin naman na sa dahas at kamay na bakal. Ay sino baga ang akatakutan ng mga nasa poder na yaan kung hawak nila sa leeg ang militar, mga tutang pulitiko at gulping dami ng mga yaon, at mamamayang mistulang pahot na alipin ngani.
                Pero may mga pambihirang pagkakataon pa rin pala na nagigising din naman kahit papaano ang mga Marindukenyo.
                Nangyari ito ng gumawa ng isang kasuka-suka at karumaldumal na pang-aabuso at pangyuyurak sa kapuwa-tao itong si Gina O. Reyes, naturingang abogada, bilang kagilagilalas na pagpapakilala ng todo sa kanyang tunay na pagkatao. Nakaumang ang puwet at nakaplano ng panahong yaon ang Gina Reyes, anak ng Tuting at Carmencita Reyes, para angkinin ang posisyon bilang Gobernadora habang nakaupo sa Kongreso ang ina.
                Iring masunod ang mga salaysay ng mga taong-Lupac, mga taong-Boac, mga taong-Simbahan, mga taong-Edukado at nabahala ng mga panahong iyon at marami pa sa kanila ang buhay. Nariyan ang mga pangalan, nariyan laang at hinding-hindi pa rin sila nakakalimot.
                 Ang mga kabataan naman ay hindi pa alam ang buong istoryang ito na naikumpara ng mga taga-Marinduque sa mga pangyayari noong panahon ng Hapon. Pagyurak ng tahasan sa karapatang-pantao - ito ang di-kalimot-limot at dakilang pamana ni Gina O. Reyes:

Biyernes, Pebrero 18, 2011

Babae ang Utak ng Karahasan at Pagyurak sa Dangal Boac at siya ay si Regina Respondent

 

 (karugtong)
MGA DAPAT MALAMAN NG MGA MAMAMAYAN NG MARINDUQUE
Ang mga pangyayari:
Ang naganap sa Barangay Lupac, Boac, noong ika-11 ng Oktubre ay isang pangyayaring ni sa panaginip ay hindi dapat naganap sa ating hugis-pusong lalawigan.
Ayon sa mga ulat ay may naganap na nakawan sa malaking bahay na bato sa Lupac na pag-aari ni Delegada Carmencita O. Reyes.
Kung mayroon man na nangyari o wala ay hindi pa matiyak hanggang ngayon sapagkat tuloy pa ang imbestigasyon.
Ang hinaing ng mamamayan ng Barangay Lupac ay ito:
1.       Alas 12:00 ng gabi, Biernes matapos malaman na may naganap na nakawan ay limang bahay ang pinasok at hinalughog ni Maxi Pena – panauhin sa malaking bahay, ng wala namang dalang “search warrant” o ni kasamang isa mang authoridad.
2.       Bago maganap ang paghahalughog, si Nolan Lanete, isang 14 na taong gulang ay tatlong ulit na inilublob sa dagat ni Maxi Pena at hinayaang naroon sa tabing dagat ng may isang oras sa lamig ng gabi (kasamang sipi).
3.       Linggo ng umaga, ang isa sa mga katulong sa malaking bahay na si Pecifico Hilario ay sinuntok, tinadyakan, pinalo ng puluhan ng baril sa kaliwang balikat at hindi pa nasiyahan ay iinilad mula 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon sa arawan sa tabi ng aplaya.
4.       Si Elvira  Monteras, isang pinagkakatiwalaan ni Delegada Carmencita O. Reyes nang mahigit na 15 taon na ngayon ay tatlong ulit na sinampal at tinadyakan sa panga ng nasabi rin na si Maxi Pena.
5.       Si Reynaldo Mabato, isang suspect na taga Mainit, ay hinuli sa pamilihang bayan at nang ayaw sumama ay kinarati at sinakal ng isang nagngangalang Ninoy Mascarenas.
6.       Hanggang sa kasalukuyan, ang mga nabanggit na mga katulong sa malaking bahay at iba pang hindi nabanggit ay nakakulong pa sa komandansya simula pa noong Linggo na sa sandaling ito ay may apat na araw na o 96 oras na ngayon.

SINO ANG MGA GUMAWA NG KARAHASANG ITO?
1.       Maxi Pena – Sino ang taong ito?
2.       Gina Reyes – Abogada
3.       Severino Mascarinas, Jr. – Punong Barangay Bantad at CHDF daw.
4.       Sgt. Meleco Terrible – PC – Body Guard, Driver
5.       Pat. Tekboy Manrique – PC-INP
6.       Edito Racelis – Driver, District Engineer, MPWH, CHDF daw.
7.       At iba pang taong hindi nakikilala.
ANG MGA NAGING BIKTIMA
1.       Pacifico Hilario – Ang sinuntok sa ilong at kinuryente sa siko, at ibinilad sa aawan ng limang oras.
2.       Nolan Lanete – 14 na anyos – inilublob nang tatlong ulit sa dagat.
3.       Elvira Monteras – tatlong ulit na sinampal at tinadyakan sa panga.
4.       Reynaldo Mabato – Kinaratii at sinakal ni Ninoy Mascarinas, Jr.
5.       Isagani at Rustico Mabato – Hinalughog ang bahay at sinaktan.
MGA HINALUGHOG ANG BAHAY
1.       Mr. & Mrs. Ambrosio Maano
2.       Mr. & Mrs. Bienvenido Maliksi
3.       Mr. & Mrs. Cecilio Monteras
4.       Mr. & Mrs. Efren Monteras
5.       Mrs. Mercedes Pedragoza
MGA KATANUNGAN
1.       T ayo ba’y nabubuhay sa isang bansang DEMOCRACY O DEMO-CRAZY na may JUSTICE O JUST-TIIS?
2.       Muli bang nagbalik ang panahon ng hapon sa ating lalawigan?
3.       Binigyang-pansin ba naman ng mga kinauukulan ang mga hinaing at sakit ng mga biktima?
4.       Ito ba’y simula ng ating pagpapabaya para ito’y lalong lumala?
5.       Ang hangad ba natin ay kalayaan o karahasan?
KATARUNGAN PARA SA KANILANG MGA NAAPI
KATARUNGAN PARA SA MARINDUQUE
Dapat lamang na bumuo ng isang FACT-FINDING COMMITTEE na ang mga kinatawan ay galling sa pamahalaan, Integrated Bar, Religious Sector at Civic Organization nang sa gayon ay malaman ang pawing katotohanan at maipagsakdal ang mga nagkasala at maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa BATAS.
NABABAHALANG MAMAMAYAN NG MARINDUKE

GISING NA BAYAN!

Miyerkules, Pebrero 16, 2011

Pahayag ng mga Gising at Nabahalang Mamamayan ng Boac



BOAC ORGANIZATION OF AWARE AND CONCERNED CITIZENS
(B.O.A.C.)

ANG PANGYAYARI SA LUPAC: HAMON SA KONSENSIYA NG LALAWIGAN
Ang pangyayari sa Lupac ay dapat na magpamulat sa mga mamamayan ng Marinduque: ang Kalayaan at karapatan ay di dapat ipagwalang bahala. Ang mga ito ay knailangang pangalagaan at ipaglaban. At tanging ang mamamayan ang dapat kumilos upang ang mga ito ay galangin at bigyang halaga.
Ang pangyayari sa Lupac kung saan ang ating mga kapatid ay DINUSTA at INAPI, kung saan ang kanilang karapatang pantao (Human Rights) ay nilapastangan, ay dapat ding mangyari sa iba pa. Sa atin. Sa ating mga kamag-anak. Sa ating mga kaibigan. Maliban na lamang kung ang sambayanan ay isisigaw at
isasambulat ang kanilang poot na damdamin upang ang nasabing pang-aapi ay maulit na muli.
Aming kinokondena ang pang-aapi sa ating mga kapatid na tagaa Lupac. At kami ay nananawagan na gayon din ang gawin ng lahat ng mamamayan ng Boac at ng lahat ng buong lalawigan ng Marinduque.
Kung kaming mga kasapi ng “Samahan ng Nababahalang Mamamayan ng Boac (B.O.A.C) ay nakatulong ng kahit kaunti, sa maliit naming kakayahan, sa pagpapalaya n gating mga kapatid na taga Lupac, ito’y sa pagsasatupad lamang n gaming mithiin, layunin at paninindigan na ang pagpapaibayo ng mga karapatang pantao ay tungkulin ng bawat isang mamamayan.
                                                                                                                                                B.O.A.C.
Mga Pamunuan
Ricardo G. Nepomuceno, Jr.                                                       Antonio E. Barroro
Romulo Sto. Domingo                                                                  Salvador Larracas
Rey Cerezo                                                                                      Boy Santiago


P A G P A P A H A Y A G
I.                    Dahilan sa mga pangyayaring naganap sa Lupac na batid na ng lahat, aming napagtant na an gaming pagkakaisa lamang, higit sa lahat ng ano mang bagay, ang maaari naming asahan upang mapangalagaan an gaming mga karapatan na pinatitingkad n gaming panananalig sa Diyos at ng umiiral na batas.
II.                  Kaya kami ay nagbubuklod ng isan samahan na tatawaging “Kapisanan ng mga Taga Lupac na nagkakapit Bisig sa Katarungan” (KATABI KA) upang pagtibayin ang paninindigan at maipahayag an gaming pagkakaisa at pagbibigkis-bigkis.
III.                Dahilan dito, bilang isang nabuong pamayanan, kami’y naniniwala at aming nadarama na aming katungkulang paalalahanan ang mga nasasa-kapangyarihan na kanilang pangunahing tungkulin, sa harap ng Diyos at sa harap ng tao, na pangalagaan at igalang ang dignidad at karapatang pantao (Human Rights) ng bawat isang mamamayan at ang ipagtanggol ang lahat ng mamamayan maging mahirap o mayaman, lalong lalo na ang mahihirap, laban sa ano mang pang-aapi.
IV.                Sa layuning ito ng pagpupumilit na tupdin ng mga nasasa-kapangyarihan ang nasabing tungkulin, kami ay nananawagan sa lahat ng pangkat/sektor ng ating lipunan at humihingi ng kanilang tulong at suporta sa ikapagtataguyod nito.
                                                               
                                                                                                                                KATABI KA