Lunes, Disyembre 10, 2012

Mga ebidensya ng panglilinlang ni Regina O. Reyes


Certificate of Candidacy ni Regina Ongsiako Reyes na ang tunay na pangalan ng siya ay ipinanganak ay Regina Victoria Ongsiako Reyes.

Ipinanganak noong July 8, 1958, pero ang isinulat sa COC ay July 3, 1964.

Ayon sa impormasyon ang dalawa sa mga napangasawa nito ay sina Saturnino "Roy" S. Ador Dionisio noong June 1997 at naghiwalay noong January 2001, ayon ito sa court documents sa Court of Appeals, California, hinggil sa demanda ng kanyang naging asawa tungkol sa kanilang hidwaan sa negosyo sa America (ang nakasaad sa documento na nireklamo ng naging asawa ni Gina Reyes ay "breach of fiduciary duty, usurpation of business opportunity, legal malpractice at unfair business practices".

Sa kanya namang COC ay sinumpaan ni Regina O. Reyes na siya ay patuloy na nanirahan sa Pilipinas at sa kanyang Distrito o Probinsiya ng 36 na taon at 2 buwan daw. Ngani baga o kabulaanan na naman iyan?

Alam ng mga taga-Marinduque na nanirahan lamang si Regina sa Marinduque wala pang tatlong buwan noong siya ay i-appoint ng kaniyang Ina na Gobernadora bilang provincial administrator. Dahil sila ay hindi magkasundo ng Ina na hindi lingid sa mga empleyado ay siya ay nag-resign at ipinalit naman bilang provincial administrator si G. Rene Martinez. Tumulak puntang America ang Regina at bumalik lamang para paghandaan ang kanyang balak na pagkandidato, tama o mali? 
Ang nasabing katungkulan lamang ang kanyang naging lisensya sa pagtira sa Marinduque, pero maliwanag na hindi siya nanirahan sa Lupac, Boac, Marinduque sa loob ng 36 years, tama o mali? Pero baka kaya ang bilang ay mula noong pinagbibilad sa init ng araw ang mga Taga-Lupac kaya? Malamang!

At bilang provincial administrator ay ang opisyal na pangalan na kanyang tahasang ginamit ng paulit-ulit ay Regina Victoria R. Mandanas, na hindi mo naman maaring gamitin sa opisyal na record ng gobierno kung hindi mo ito mapapatunayan na legal ang gamit mong pangalan, kapanganakan, civil status, at iba pa, tama o mali? Malabas na kasinungalingan lahat iyun na magagawa lamang kung kasapakat ang ilang pinuno ng kapitolyo, tama o mali?

Naging legal counsel pa pala itong si Attorney Gina Mandanas ng asosasyon ng mga asawa ng mga kongresista at pinangalandakan pala doon sa kanilang Directory na siya ay KASAL kay Mandanas hanggang sa kasalukuyan. Ito rin ang palaging inaanunsiyo sa Marinduque kapag pinapakilala si Ate Gina o kaya ay kapag nadalaw ang asawang kongresista, tama o mali? Ang deklaradong tirahan naman pala ni Regina sa kaukulang papeles sa kongreso bilang asawa ngani ng isang kongresista ay Bauan, Batangas at Barangay Milagrosa, Quezon City.

Sinumpaan din ni Regina na siya ay hindi naging permanent resident ng isang foreign country. Ngani? Kaya daw gawin ng Reyes ang lahat ng kabulastugan dahil malakas daw kay Pinoy na pinangalandakan na kamag-anak kaya maya't-maya ay inasabi mandin na 'madating si Pinoy', 'madating si Kris' kahit hindi at malamang na hindi alam ng mga Aquino na ginagamit ang pangalan nila dahil ka-partido pa ngani.

Sunod-sunod na panglilinlang na ito sa mga taga-Marinduque! Ganito na laang baga kita?

Ang mga kasunod na dokumento sa ngalan ng katotohanan at hindi ng kasinungalingan ay makikita sa link na ito: Dionisio v. Reyes





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento