Martes, Disyembre 11, 2012

TRO sa UTANG ng MARINDUQUE, ASSAULT, NINAKAW na PETITION AT KASUKANG MAGIC.



Ano na kaya ang nangyari sa TRO na isinampa sa RTC Marinduque laban sa pagpatuloy ng milyones na gustong utangin ni Governadora? Alam baga ninyo na sinugod ng isang matandang babae para bauy-bauyin ang Judge na nagadinig ng kaso sa opisina ng huwes? Feeling makapangyarihan talaga ang matanda at walang nakikitang kamalian sa kabaluktutan ng kanyang mga gawa na kanya namang nakasanayan na sa pagmamanipula sa mga tulug-tuluging Marinduque nineteen-kopong kopong pa mandin naman.

GULPING GALIT NG MATANDA AT SINUGOD ANG JUDGE!

ASSAULT daw ang tawag sa ginawa ng matanda, labag sa batas na hindi maaaring mangyari sa ibang lugar na pinapairal ang TUWID NA DAAN at sibilisadong kalakalan. Kandarapa na ngayon ang mga abogado ng matanda dahil baka magreklamo ang huwes ay panibagong kaso ang abutin. Gustong mag-imbento ng dahilan o alibi na ibig laang daw iparating ng matanda na marami ang nagareklamo na nababagalan ang mga tao sa IBANG KASO na idinadinig sa kanyang korte. Ang katotohanan naman ay inagipit laaang ng matanda ang huwes at binalaan diumano na apatanggal niya sa puwesto gamit ang nilumot na nitong impluwensya daw.

Bago baga naman ang ganyang sistema? Ay hindi mandin. Ayaw laang talagang magising ng mga marurunong, may pagmamahal sa lalawigan daw, at edukado daw na inaturingan. Kailan pa kaya mamumulat man laang?

Kasabay ng ganyang sistema ng tahasang panggigipit sibilisado man ang turing sa atin, ay anu naman kaya ang magiging reaksyon ng mga 1,400 na nagpetition laban sa pangungutang ng mga dambuhala?

NAGLAHONG PARANG BULA ANG PETITION NG CONCERNED CITIZENS AT MARINDUQUE MOVERS!!!

Ano kaya ang kanilang reaksyon kapag naalman nila na ang kanilang pinagpagurang petition ay MISTERYOSONG NAGLAHO sa tanggapan ng SP? Opo mga kaibigan,  ayon sa impormasyon ang katunayang ito mismo ang tinestiguhan ng isang empleyado ng SP na siyang tumanggap ng makapal na papeles noong BUWAN NG AGOSTO 2012. Sa nakaraang hearing ay ito ang lumabas. Na ang petition na pirmado ng mga pobreng Marinduqueno ay lumalabas na NA-SNATCH SA TANGGAPAN na para bagang mga BALLOT BOXES ng kasaysayan.

Tanong ngayon ay ano ang masunod na galaw nilang mga nagpetisyon na nagamalasakit sa taong bayan? Sila na naniniwala pa sana sa DEMOKRATIKONG PROSESO ng pamamahala ng nagamala-makapangyarihan.

Sa madaling salita ang petition na inihain ng mga kada 1,400 na rehistradong botante na huwag ituloy ng SP ang Resolution No. 637 at 710 hinggil sa pangutang ng kapitolyo ng P300-M ay NAGLAHONG PARANG BULA sa tanggapan ng SP ng hindi man laang dininig ng SP sa session. Ito ay labag sa inatadhana ng batas R.A. 6713 mandin tungkol sa Code of Conduct at Ethical Standards ng mga public officials. Kasama mandin diyan ang pagkilos sa loob ng 15 araw tungkol sa mga ganyang hinaing.

Alam pala ng mga concerned citizens na talagang MAANOMALYA ANG TRANSAKSYON NG PANGUNGUTANG NG GOV. REYES dahil hindi ito suportado ng rekisitong mga dokumento na kailangang iprisinta sa BANKO . Subalit gumalaw naman ang kabal ng governadora. Kandarapa mandin sa pag-manufacture ng mga pekeng dokumento ang bulokrasya ng kapitolyo bilang kalakip ng inamungkahing utang ng kapitolyo. Harap-harapan at marami sa Sangguniang Panglalawigan ang nakakaalam ng pagma-magic ng mga alagad ng mastermind sa pangutang. Kung kailangang MAG-SNATCH NG PETITION SA DILIM NG GABI ay agaw-in talaga ngani.

Pero naghintay muna ng panahon na sa palagay nila ay hindi na nakatingin ang mga naga-petition. Saka inilabas ang mga pekeng dokumento nung walang nakatingin para ibigay sa banko. Kasama diyan ang pagdoktor-doktor para ma-justify ang utang kaya laang ngani ay butas-butas.

Tiempo naman na matinik din pala ang mga CONCERNED CITIZENS kahit papaano at naamoy ang MAITIM NA BALAK ng mga ilang nakaupo sa KAPITOLYO. Nagkaroon ng TRO para matigil ang PAGPIRMA SA KONTRATA NI GOV. REYES AT NG PNB PARA SA PAGSASANGLA  KINA MARIN AT DUKE !!!

AY ANO NA KITA NGAYON GABULAG-BULAGAN????

SA LIKOD NG GANITONG PANGYAYARI NA HALOS DALAWANG LINGGO NA LAANG ANG NATITIRA SA 2012, IBAWAS PA NATIN ANG CHRISTMAS VACATION AY TALAGANG GARAPALAN NA ANG INAGAWA NG REYES AT KANYANG KABAL.

KAPIT SA PATALIM!

HANGGANG DEC. 31, 2012 LAANG ANG PINAYAGAN NG BANKO NA PALUGIT KUNG KAILAN DAPAT MAILABAS NA LAHAT ANG MILYON-MILYONG SALAPI MULA SA BANKO AT TIYAK NA MAABOT NG ELECTION BAN. IBIG SABIHIN MAGA-STOCK NG SAKO-SAKONG MARURUMING SALAPI ANG MGA MARURUMING MGA KAMAY BAGO MAG-BAGONG TAON.

SAKA ALABAS SA KAMPANYAHAN. KAPAG NANALO NGA NAMAN SILA ANO MANG ANOMALYA O ILIGALIDAD NA GINAWA AY KAYANG-KAYANG-KAYANG GAMUTIN, AYUSIN, PLANTSAHIN DAHIL DEKADA NA NILANG PRAKTISADO ANG GANOONG SISTEMA, TAMA O MALI?

TAMA O MALI ????
GANITO NA LAANG BAGA KITA?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento