Tingni muna ang pangalan, edad at kapanganakan |
Pero may nakarehistro pala na botante na katunog ang pangalan, kaso may anomalya. Hindi maiitanggi sa harap ng ritrato ng kanyang ama na sa harap ng publiko ay inadasalan niya para palabasin na siya ay relihiyosa na ang kanyang ginamit na pangalan sa pagparehistro ay REGINA ONGSIAKO REYES. Taliwas sa tunay niyang pangalan na REGINA VICTORIA ONGSIAKO REYES.
Ang isinulat naman niyang petsa ng KAPANGANAKAN ay katakataka: JULY 8, 1959. Maliwanag yan sa OPISYAL NA PRECINCT VOTERS COMPUTERIZED LIST ng BARANGAY LUPAC 0084A na galling sa COMELEC. Makikita sa listahan ang sumusunod:
“117. REYES, REGINA ONGSIAKO, LUPAC 07/08/1959”
Abogada yan ha at hindi naman abogaga.
May nakarehistrong Regina Ongsiako Reyes pero ipinanganak July 8, 1959 |
Umariba ang Gina na ito na naging bansag sa kanya ng mga taga LUPAC mula noong nangyari ang kalunos-lunos na ginawa nitong PAGBIBILAD at PAGGAMIT NG DAHAS sa mga taga-Lupac noong dekada ’80 para ipakita ang kapangyarihan daw ng kanyang pamilya. Umariba ito sa KAPITOLYO bilang ADMINISTRADOR gamit ang pangalang REGINA VICTORIA REYES MANDANAS.
GINA REYES MANDANAS naman sa Official Publication of the Provincial Government of Marinduque |
Isa laang ang masunod na pruweba sa isang katutak na ebidensiya. Ilang tarpaulin ang pinakalat ng Kapitolyo na nakabalandra ang pangalan namang GINA REYES MANDANAS na siya ang pinapalabas na sponsor daw ng mga opisyal na proyekto ng gubyerno mandin.
Sa mga official record ng Kapitolyo ay ganung pangalan ang nakasaad. Nakasaad din sa mga record sa Kapitolyo na ang kanyang dineklarang petsa ng kapanganakan ay JULY 3, 1964 taliwas sa unang dineklara niyang petsa ng kapanganakan.
Tandaan natin ang mga pagbabago sa pangalan at kapanganakan para hindi tayo malihis.
Alalahanin na malaki ang panangutan ng sino mang nagapatunay o naga-certify sa mga dokumento kung sino man ang mga naka-pirma dito. May sabwatan siyempre diyan. Kapag kabulaanan ang kanilang pinatunayan, sila ay may malaki ring pananagutan. Abalikan natin ang usaping ito sa inaharap.
July 03, 1960 naman ang petsa ng kapanganakan dito na lumabas sa publication ng League of Governors base sa impormasyon na galing sa Opisina ng Gobernador. |
Nasabi na natin sa mga naunang panulat na sa PROFILE NI. GOV. CARMENCITA O. REYES ay ito naman ang nakalagay sa listhan ng kanyang mga anak:
“REGINA VICTORIA O. REYES – JULY 3, 1960”
“EDMUNDO O. REYES II – MAY 23, 1962”
Samakatuwid iba na namang KAPANGANAKAN ang ginamit, samakatuwid ay naunang ipinanganak si GINA kaysa kay EDMUNDO II o Pareng Edmund ang turing na alam at pinaniwalaan sa buong prubinsya bilang pinaka-bunso sa magkakapatid, tama baga?
Nagresign kaagad bilang ADMINISTRADOR ang Gina dahil hindi makasundo ang INA sa pagpapalakad ng Kapitolyo na kung saan kabikabila ngani ang mga KABAL na puro KWARTA, MANIPULA at KABULAANAN ang nasa-isip lamang. Bumalik ngani laang at tuloy ang paggamit sa pasilidad ng Kapitolyo para sa ambisyon niya na maging Kongresista.
CIVIL STATUS: "SINGLE" |
Kaya ano naman kaya ang ginamit na pangalan at datos sa pag-file ng CERTIFICATE OF CANDIDACY (COC)? Deretsahan na kita. Ito ang nakasaad:
REGINA ONGSIAKO REYES, AGE: 48; Date of Birth: 07.03.1964; CIVIL STATUS: SINGLE
Samakatuwid iba’t-ibang pangalan at petsa ng kapanganakan ang inagamit ng taong ito tulad ng mga sumusunod:
REGINA VICTORIA ONGSIAKO REYES
REGINA ONGSIAKO REYES
REGINA VICTORIA REYES MANDANAS
GINA REYES MANDANAS
ang gamit naman niyang SCREEN NAME SA COC ay ATE GINA.
Ang mga petsa ng kapanganakan na ginamit ay ang mga sumusunod:
July 8, 1959
July 3, 1960
July 3, 1964
Ang kanya namang Civil Status ay ang mga sumusunod:
MARRIED
SINGLE (nakasaad sa COC)
Mas masalimuot ang nasa likod ng kuwentong ito, kaya saka na laang. Ang hirap laang dito ay sinumpaang salaysay ang nilagdaan niya at bawal sa batas ang ganyang gawain, tama?
Ang kanyang trabaho ay:
LAWYER
Tumpak. At nakapasa siya noong May 2, 1983 Roll No. 32316. Pero problema ito. Pag pinagpilitan niyang ang totoong kapanganakan niya ay 1964 mangangahulugan na 18-19 years old pa lamang siya ay naging abogado na siya. Kabalintunaan wari iri, huli na naman ang kabulaanan niyan, tama o mali?
Sa ROLL OF ATTORNEYS: "REYES, REGINA VICTORIA O.; Manila, May 02, 1983; Roll No. 32316" |
Ang pinakahuli niyang dineklarang kapanganakan ay July 3, 1964 sa kanyang pirmado at notaryadong COC, taliwas sa kanyang record ng kapanganakan sa VOTER”s LIST na July 8, 1959.
Tiyak na agiit ng taong ito na siya ay ipinanganak noong 1964, at baka siya makulong, kahit lumabas na mas bata siya kay Pareng Edmund na malayo sa katotohanan ng mga tatlong taon.
Hagikhik o halakhak. |
Ang mga mambabasa na ang bahalang gumawa ng sarili nilang pagsaliksik, pag-imbestiga, pagtanong at pag-gamit ng sintido komon kung ano ang kadahilanan sa mga panglilinlang, pagbubulaan o pandarayang ito. Kung sa simula pa lamang ay ganito na ang personalidad ng taong nahingi, nakikiusap o namimili ng tiwala mo ang tanong ay “saan kaya kita adalhin nito?”
Naala-ala ko tuloy ngani ang sabi ni Father M__ tungkol sa mga taga-Marinduque na matagal na raw nabulag dahil sa manipulasyon ng pamilyang may hawak ng poder at may monopolya sa kapangyarihan sa loob ng apat na dekada, at binasahan pa ako:
Mateo 15:14 “Pabayaan ninyo sila: sila’y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay!”
Ay ano kita?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento