Miyerkules, Disyembre 12, 2012

Reyes baga talaga o Mandanas baga talaga?

Nagpatotoo pala ang isang nagngangalang ERMA E. REYES bilang ‘Chief Administrative Officer’ sa kapitolyo ng Marinduque daw tungkol sa Service Record ni Regina O. Reyes. Ayon sa patibay ni Erma Reyes ang pangalan diumano ni Gina ay REGINA VICTORIA REYES MANDANAS dahil married daw ito at ang kapanganakan daw ay July 3, 1964. Ayon ito sa isang sertipiko na nilagdaan ng nasabing isang Erma Reyes na makikita sa itaas.

Nakasaad din sa service record na nasabi na nagserbisyo si Regina simula Agosto 16, 1983 hanggang Abril 30, 1984 bilang Trial Attorney, at nasundan pa ito hanggang siya ay maging permanente at nagresign noong 1993 ayon parin sa service record na nasabi ngani.

IRI NGAYUN ANG MGA KATANUNGAN AT NATURAL NA SAGOT:

TANONG: Ilang taon siya noong pumasok sa nasabing tanggapan kung paniniwalaan ang kanyang petsa ng kapanganakan?
SAGOT: 19 taong gulang - 1983 minus 1964 equals 19.

TANONG: Kapanipaniwala baga naman ito?
SAGOT: Hindi dahil mga edad 23 o 24 na ang isang nagaabogado bago makakuha ng exam sa bar.

TANONG: Ano ang implikasyon nito?  
SAGOT: Nalabas na walang duda na hindi totoo ang ginamit sa COC na petsa ng kapanganakan, o peke.

TANONG: Paano ito maii-reconcile sa mga datos na nilagdaan ni Regina O. Reyes sa kanyang COC tulad ng mga sumusunod:

- tunay na pangalan (na iba sa kanyang Given Name),
- kapanganakan (na iba sa kanyang totoong kapanganakan),
-  civil status (na ayon sa kanya ay SINGLE taliwas sa iba pang dokumento at kanyang dokumentadong deklarasyon sa ibang mga pagkakataon),
- rehistro bilang registered voter (na walang rehistrado ayon sa Comelec na botante sa kanyang deklaradong pangalan at kapanganakan),
- tirahan (na iba-iba rin ayon sa mapapagtibay na mga dokumento),
- pagiging permanent residence sa ibang bansa o hindi (na hindi maaring maging totoo ayon sa kanyang dineklarang taon at buwan ng paninirahan sa Marinduque na taliwas sa katotohanan ng paninirahan niya sa Amerika ng maraming taon),
- dineklarang bilang ng taon bilang naninirahan sa Lupac na 36 na taon ayon sa COC (sa service record pa laang ay makikita na na hindi totoo ang dineklara, hindi pa kasama ang paninirahan niya sa U.S.A.)
- at iba pa tulad ng ibat-ibang lagda na ginagamit niya sa kasalukuyang panahon?
SAGOT: Puro maling impormasyon o kabulaanan o panglilinlang, mamili ka na laang. Gamitin mo na laang pati ang sentido komon mo baya, intelihente ka naman, kung puwede laang. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento