Pirmado ng ina mandin. |
Linggo, Disyembre 16, 2012
Miyerkules, Disyembre 12, 2012
Reyes baga talaga o Mandanas baga talaga?
Nagpatotoo pala ang isang nagngangalang ERMA E. REYES bilang
‘Chief Administrative Officer’ sa kapitolyo ng Marinduque daw tungkol sa Service
Record ni Regina O. Reyes. Ayon sa patibay ni Erma Reyes ang pangalan diumano ni
Gina ay REGINA VICTORIA REYES MANDANAS dahil married daw ito at ang
kapanganakan daw ay July 3, 1964. Ayon ito sa isang sertipiko na nilagdaan ng
nasabing isang Erma Reyes na makikita sa itaas.
Nakasaad din sa service record na nasabi na nagserbisyo si
Regina simula Agosto 16, 1983 hanggang Abril 30, 1984 bilang Trial Attorney,
at nasundan pa ito hanggang siya ay maging permanente at nagresign noong 1993 ayon parin sa
service record na nasabi ngani.
IRI NGAYUN ANG MGA KATANUNGAN AT NATURAL NA SAGOT:
TANONG: Ilang taon siya noong pumasok sa nasabing tanggapan
kung paniniwalaan ang kanyang petsa ng kapanganakan?
SAGOT: 19 taong gulang - 1983 minus 1964 equals 19.
TANONG: Kapanipaniwala baga naman ito?
SAGOT: Hindi dahil mga edad 23 o 24 na ang isang nagaabogado
bago makakuha ng exam sa bar.
TANONG: Ano ang implikasyon nito?
SAGOT: Nalabas na walang duda na hindi totoo ang ginamit sa COC na
petsa ng kapanganakan, o peke.
TANONG: Paano ito maii-reconcile sa mga datos na nilagdaan
ni Regina O. Reyes sa kanyang COC tulad ng mga sumusunod:
- tunay na pangalan (na
iba sa kanyang Given Name),
- kapanganakan (na iba sa kanyang totoong kapanganakan),
- civil status (na ayon
sa kanya ay SINGLE taliwas sa iba pang dokumento at kanyang dokumentadong deklarasyon sa
ibang mga pagkakataon),
- rehistro bilang registered voter (na walang rehistrado ayon
sa Comelec na botante sa kanyang deklaradong pangalan at kapanganakan),
- tirahan (na iba-iba rin ayon sa mapapagtibay na mga
dokumento),
- pagiging permanent residence sa ibang bansa o hindi (na
hindi maaring maging totoo ayon sa kanyang dineklarang taon at buwan ng
paninirahan sa Marinduque na taliwas sa katotohanan ng paninirahan niya sa
Amerika ng maraming taon),
- dineklarang bilang ng taon bilang naninirahan sa Lupac na 36 na taon ayon sa COC (sa
service record pa laang ay makikita na na hindi totoo ang dineklara, hindi pa
kasama ang paninirahan niya sa U.S.A.)
- at iba pa tulad ng ibat-ibang lagda na ginagamit niya sa
kasalukuyang panahon?
SAGOT: Puro maling impormasyon o kabulaanan o panglilinlang,
mamili ka na laang. Gamitin mo na laang pati ang sentido komon mo baya, intelihente ka naman, kung puwede
laang.
Martes, Disyembre 11, 2012
TRO sa UTANG ng MARINDUQUE, ASSAULT, NINAKAW na PETITION AT KASUKANG MAGIC.
Ano na kaya ang nangyari sa TRO na isinampa sa RTC
Marinduque laban sa pagpatuloy ng milyones na gustong utangin ni Governadora?
Alam baga ninyo na sinugod ng isang matandang babae para bauy-bauyin ang Judge
na nagadinig ng kaso sa opisina ng huwes? Feeling makapangyarihan talaga ang
matanda at walang nakikitang kamalian sa kabaluktutan ng kanyang mga gawa na
kanya namang nakasanayan na sa pagmamanipula sa mga tulug-tuluging Marinduque
nineteen-kopong kopong pa mandin naman.
GULPING GALIT NG MATANDA AT SINUGOD ANG JUDGE!
ASSAULT daw ang tawag sa ginawa ng matanda, labag sa batas
na hindi maaaring mangyari sa ibang lugar na pinapairal ang TUWID NA DAAN at
sibilisadong kalakalan. Kandarapa na ngayon ang mga abogado ng matanda dahil
baka magreklamo ang huwes ay panibagong kaso ang abutin. Gustong mag-imbento ng
dahilan o alibi na ibig laang daw iparating ng matanda na marami ang
nagareklamo na nababagalan ang mga tao sa IBANG KASO na idinadinig sa kanyang korte.
Ang katotohanan naman ay inagipit laaang ng matanda ang huwes at binalaan
diumano na apatanggal niya sa puwesto gamit ang nilumot na nitong impluwensya
daw.
Bago baga naman ang ganyang sistema? Ay hindi mandin. Ayaw
laang talagang magising ng mga marurunong, may pagmamahal sa lalawigan daw, at
edukado daw na inaturingan. Kailan pa kaya mamumulat man laang?
Kasabay ng ganyang sistema ng tahasang panggigipit
sibilisado man ang turing sa atin, ay anu naman kaya ang magiging reaksyon ng
mga 1,400 na nagpetition laban sa pangungutang ng mga dambuhala?
NAGLAHONG PARANG BULA ANG PETITION NG CONCERNED CITIZENS AT
MARINDUQUE MOVERS!!!
Ano kaya ang kanilang reaksyon kapag naalman nila na ang
kanilang pinagpagurang petition ay MISTERYOSONG NAGLAHO sa tanggapan ng SP? Opo
mga kaibigan, ayon sa impormasyon ang
katunayang ito mismo ang tinestiguhan ng isang empleyado ng SP na siyang
tumanggap ng makapal na papeles noong BUWAN NG AGOSTO 2012. Sa nakaraang
hearing ay ito ang lumabas. Na ang petition na pirmado ng mga pobreng
Marinduqueno ay lumalabas na NA-SNATCH SA TANGGAPAN na para bagang mga BALLOT
BOXES ng kasaysayan.
Tanong ngayon ay ano ang masunod na galaw nilang mga
nagpetisyon na nagamalasakit sa taong bayan? Sila na naniniwala pa sana sa
DEMOKRATIKONG PROSESO ng pamamahala ng nagamala-makapangyarihan.
Sa madaling salita ang petition na inihain ng mga kada 1,400
na rehistradong botante na huwag ituloy ng SP ang Resolution No. 637 at 710
hinggil sa pangutang ng kapitolyo ng P300-M ay NAGLAHONG PARANG BULA sa tanggapan
ng SP ng hindi man laang dininig ng SP sa session. Ito ay labag sa inatadhana
ng batas R.A. 6713 mandin tungkol sa Code of Conduct at Ethical Standards ng
mga public officials. Kasama mandin diyan ang pagkilos sa loob ng 15 araw
tungkol sa mga ganyang hinaing.
Alam pala ng mga concerned citizens na talagang MAANOMALYA ANG
TRANSAKSYON NG PANGUNGUTANG NG GOV. REYES dahil hindi ito suportado ng
rekisitong mga dokumento na kailangang iprisinta sa BANKO . Subalit gumalaw naman
ang kabal ng governadora. Kandarapa mandin sa pag-manufacture ng mga pekeng dokumento
ang bulokrasya ng kapitolyo bilang kalakip ng inamungkahing utang ng kapitolyo.
Harap-harapan at marami sa Sangguniang Panglalawigan ang nakakaalam ng
pagma-magic ng mga alagad ng mastermind sa pangutang. Kung kailangang
MAG-SNATCH NG PETITION SA DILIM NG GABI ay agaw-in talaga ngani.
Pero naghintay muna ng panahon na sa palagay nila ay hindi
na nakatingin ang mga naga-petition. Saka inilabas ang mga pekeng dokumento
nung walang nakatingin para ibigay sa banko. Kasama diyan ang pagdoktor-doktor
para ma-justify ang utang kaya laang ngani ay butas-butas.
Tiempo naman na matinik din pala ang mga CONCERNED CITIZENS
kahit papaano at naamoy ang MAITIM NA BALAK ng mga ilang nakaupo sa KAPITOLYO.
Nagkaroon ng TRO para matigil ang PAGPIRMA SA KONTRATA NI GOV. REYES AT NG PNB
PARA SA PAGSASANGLA KINA MARIN AT DUKE !!!
AY ANO NA KITA NGAYON GABULAG-BULAGAN????
SA LIKOD NG GANITONG PANGYAYARI NA HALOS DALAWANG LINGGO NA
LAANG ANG NATITIRA SA 2012, IBAWAS PA NATIN ANG CHRISTMAS VACATION AY TALAGANG
GARAPALAN NA ANG INAGAWA NG REYES AT KANYANG KABAL.
KAPIT SA PATALIM!
HANGGANG DEC. 31,
2012 LAANG ANG PINAYAGAN NG BANKO NA PALUGIT KUNG KAILAN DAPAT MAILABAS NA
LAHAT ANG MILYON-MILYONG SALAPI MULA SA BANKO AT TIYAK NA MAABOT NG ELECTION
BAN. IBIG SABIHIN MAGA-STOCK NG SAKO-SAKONG MARURUMING SALAPI ANG MGA
MARURUMING MGA KAMAY BAGO MAG-BAGONG TAON.
SAKA ALABAS SA KAMPANYAHAN. KAPAG NANALO NGA NAMAN SILA ANO
MANG ANOMALYA O ILIGALIDAD NA GINAWA AY KAYANG-KAYANG-KAYANG GAMUTIN, AYUSIN,
PLANTSAHIN DAHIL DEKADA NA NILANG PRAKTISADO ANG GANOONG SISTEMA, TAMA O MALI?
TAMA O MALI ????
GANITO NA LAANG BAGA KITA?
GANITO NA LAANG BAGA KITA?
Lunes, Disyembre 10, 2012
Mga ebidensya ng panglilinlang ni Regina O. Reyes
Certificate of Candidacy ni Regina Ongsiako Reyes na ang tunay na pangalan ng siya ay ipinanganak ay Regina Victoria Ongsiako Reyes.
Ipinanganak noong July 8, 1958, pero ang isinulat sa COC ay July 3, 1964.
Ayon sa impormasyon ang dalawa sa mga napangasawa nito ay sina Saturnino "Roy" S. Ador Dionisio noong June 1997 at naghiwalay noong January 2001, ayon ito sa court documents sa Court of Appeals, California, hinggil sa demanda ng kanyang naging asawa tungkol sa kanilang hidwaan sa negosyo sa America (ang nakasaad sa documento na nireklamo ng naging asawa ni Gina Reyes ay "breach of fiduciary duty, usurpation of business opportunity, legal malpractice at unfair business practices".
Sa kanya namang COC ay sinumpaan ni Regina O. Reyes na siya ay patuloy na nanirahan sa Pilipinas at sa kanyang Distrito o Probinsiya ng 36 na taon at 2 buwan daw. Ngani baga o kabulaanan na naman iyan?
Alam ng mga taga-Marinduque na nanirahan lamang si Regina sa Marinduque wala pang tatlong buwan noong siya ay i-appoint ng kaniyang Ina na Gobernadora bilang provincial administrator. Dahil sila ay hindi magkasundo ng Ina na hindi lingid sa mga empleyado ay siya ay nag-resign at ipinalit naman bilang provincial administrator si G. Rene Martinez. Tumulak puntang America ang Regina at bumalik lamang para paghandaan ang kanyang balak na pagkandidato, tama o mali?
Ang nasabing katungkulan lamang ang kanyang naging lisensya sa pagtira sa Marinduque, pero maliwanag na hindi siya nanirahan sa Lupac, Boac, Marinduque sa loob ng 36 years, tama o mali? Pero baka kaya ang bilang ay mula noong pinagbibilad sa init ng araw ang mga Taga-Lupac kaya? Malamang!
At bilang provincial administrator ay ang opisyal na pangalan na kanyang tahasang ginamit ng paulit-ulit ay Regina Victoria R. Mandanas, na hindi mo naman maaring gamitin sa opisyal na record ng gobierno kung hindi mo ito mapapatunayan na legal ang gamit mong pangalan, kapanganakan, civil status, at iba pa, tama o mali? Malabas na kasinungalingan lahat iyun na magagawa lamang kung kasapakat ang ilang pinuno ng kapitolyo, tama o mali?
Naging legal counsel pa pala itong si Attorney Gina Mandanas ng asosasyon ng mga asawa ng mga kongresista at pinangalandakan pala doon sa kanilang Directory na siya ay KASAL kay Mandanas hanggang sa kasalukuyan. Ito rin ang palaging inaanunsiyo sa Marinduque kapag pinapakilala si Ate Gina o kaya ay kapag nadalaw ang asawang kongresista, tama o mali? Ang deklaradong tirahan naman pala ni Regina sa kaukulang papeles sa kongreso bilang asawa ngani ng isang kongresista ay Bauan, Batangas at Barangay Milagrosa, Quezon City.
Sinumpaan din ni Regina na siya ay hindi naging permanent resident ng isang foreign country. Ngani? Kaya daw gawin ng Reyes ang lahat ng kabulastugan dahil malakas daw kay Pinoy na pinangalandakan na kamag-anak kaya maya't-maya ay inasabi mandin na 'madating si Pinoy', 'madating si Kris' kahit hindi at malamang na hindi alam ng mga Aquino na ginagamit ang pangalan nila dahil ka-partido pa ngani.
Sunod-sunod na panglilinlang na ito sa mga taga-Marinduque! Ganito na laang baga kita?
Ang mga kasunod na dokumento sa ngalan ng katotohanan at hindi ng kasinungalingan ay makikita sa link na ito: Dionisio v. Reyes
Huwebes, Disyembre 6, 2012
Pekeng duck ng Lupac
Tingni muna ang pangalan, edad at kapanganakan |
Pero may nakarehistro pala na botante na katunog ang pangalan, kaso may anomalya. Hindi maiitanggi sa harap ng ritrato ng kanyang ama na sa harap ng publiko ay inadasalan niya para palabasin na siya ay relihiyosa na ang kanyang ginamit na pangalan sa pagparehistro ay REGINA ONGSIAKO REYES. Taliwas sa tunay niyang pangalan na REGINA VICTORIA ONGSIAKO REYES.
Ang isinulat naman niyang petsa ng KAPANGANAKAN ay katakataka: JULY 8, 1959. Maliwanag yan sa OPISYAL NA PRECINCT VOTERS COMPUTERIZED LIST ng BARANGAY LUPAC 0084A na galling sa COMELEC. Makikita sa listahan ang sumusunod:
“117. REYES, REGINA ONGSIAKO, LUPAC 07/08/1959”
Abogada yan ha at hindi naman abogaga.
May nakarehistrong Regina Ongsiako Reyes pero ipinanganak July 8, 1959 |
Umariba ang Gina na ito na naging bansag sa kanya ng mga taga LUPAC mula noong nangyari ang kalunos-lunos na ginawa nitong PAGBIBILAD at PAGGAMIT NG DAHAS sa mga taga-Lupac noong dekada ’80 para ipakita ang kapangyarihan daw ng kanyang pamilya. Umariba ito sa KAPITOLYO bilang ADMINISTRADOR gamit ang pangalang REGINA VICTORIA REYES MANDANAS.
GINA REYES MANDANAS naman sa Official Publication of the Provincial Government of Marinduque |
Isa laang ang masunod na pruweba sa isang katutak na ebidensiya. Ilang tarpaulin ang pinakalat ng Kapitolyo na nakabalandra ang pangalan namang GINA REYES MANDANAS na siya ang pinapalabas na sponsor daw ng mga opisyal na proyekto ng gubyerno mandin.
Sa mga official record ng Kapitolyo ay ganung pangalan ang nakasaad. Nakasaad din sa mga record sa Kapitolyo na ang kanyang dineklarang petsa ng kapanganakan ay JULY 3, 1964 taliwas sa unang dineklara niyang petsa ng kapanganakan.
Tandaan natin ang mga pagbabago sa pangalan at kapanganakan para hindi tayo malihis.
Alalahanin na malaki ang panangutan ng sino mang nagapatunay o naga-certify sa mga dokumento kung sino man ang mga naka-pirma dito. May sabwatan siyempre diyan. Kapag kabulaanan ang kanilang pinatunayan, sila ay may malaki ring pananagutan. Abalikan natin ang usaping ito sa inaharap.
July 03, 1960 naman ang petsa ng kapanganakan dito na lumabas sa publication ng League of Governors base sa impormasyon na galing sa Opisina ng Gobernador. |
Nasabi na natin sa mga naunang panulat na sa PROFILE NI. GOV. CARMENCITA O. REYES ay ito naman ang nakalagay sa listhan ng kanyang mga anak:
“REGINA VICTORIA O. REYES – JULY 3, 1960”
“EDMUNDO O. REYES II – MAY 23, 1962”
Samakatuwid iba na namang KAPANGANAKAN ang ginamit, samakatuwid ay naunang ipinanganak si GINA kaysa kay EDMUNDO II o Pareng Edmund ang turing na alam at pinaniwalaan sa buong prubinsya bilang pinaka-bunso sa magkakapatid, tama baga?
Nagresign kaagad bilang ADMINISTRADOR ang Gina dahil hindi makasundo ang INA sa pagpapalakad ng Kapitolyo na kung saan kabikabila ngani ang mga KABAL na puro KWARTA, MANIPULA at KABULAANAN ang nasa-isip lamang. Bumalik ngani laang at tuloy ang paggamit sa pasilidad ng Kapitolyo para sa ambisyon niya na maging Kongresista.
CIVIL STATUS: "SINGLE" |
Kaya ano naman kaya ang ginamit na pangalan at datos sa pag-file ng CERTIFICATE OF CANDIDACY (COC)? Deretsahan na kita. Ito ang nakasaad:
REGINA ONGSIAKO REYES, AGE: 48; Date of Birth: 07.03.1964; CIVIL STATUS: SINGLE
Samakatuwid iba’t-ibang pangalan at petsa ng kapanganakan ang inagamit ng taong ito tulad ng mga sumusunod:
REGINA VICTORIA ONGSIAKO REYES
REGINA ONGSIAKO REYES
REGINA VICTORIA REYES MANDANAS
GINA REYES MANDANAS
ang gamit naman niyang SCREEN NAME SA COC ay ATE GINA.
Ang mga petsa ng kapanganakan na ginamit ay ang mga sumusunod:
July 8, 1959
July 3, 1960
July 3, 1964
Ang kanya namang Civil Status ay ang mga sumusunod:
MARRIED
SINGLE (nakasaad sa COC)
Mas masalimuot ang nasa likod ng kuwentong ito, kaya saka na laang. Ang hirap laang dito ay sinumpaang salaysay ang nilagdaan niya at bawal sa batas ang ganyang gawain, tama?
Ang kanyang trabaho ay:
LAWYER
Tumpak. At nakapasa siya noong May 2, 1983 Roll No. 32316. Pero problema ito. Pag pinagpilitan niyang ang totoong kapanganakan niya ay 1964 mangangahulugan na 18-19 years old pa lamang siya ay naging abogado na siya. Kabalintunaan wari iri, huli na naman ang kabulaanan niyan, tama o mali?
Sa ROLL OF ATTORNEYS: "REYES, REGINA VICTORIA O.; Manila, May 02, 1983; Roll No. 32316" |
Ang pinakahuli niyang dineklarang kapanganakan ay July 3, 1964 sa kanyang pirmado at notaryadong COC, taliwas sa kanyang record ng kapanganakan sa VOTER”s LIST na July 8, 1959.
Tiyak na agiit ng taong ito na siya ay ipinanganak noong 1964, at baka siya makulong, kahit lumabas na mas bata siya kay Pareng Edmund na malayo sa katotohanan ng mga tatlong taon.
Hagikhik o halakhak. |
Ang mga mambabasa na ang bahalang gumawa ng sarili nilang pagsaliksik, pag-imbestiga, pagtanong at pag-gamit ng sintido komon kung ano ang kadahilanan sa mga panglilinlang, pagbubulaan o pandarayang ito. Kung sa simula pa lamang ay ganito na ang personalidad ng taong nahingi, nakikiusap o namimili ng tiwala mo ang tanong ay “saan kaya kita adalhin nito?”
Naala-ala ko tuloy ngani ang sabi ni Father M__ tungkol sa mga taga-Marinduque na matagal na raw nabulag dahil sa manipulasyon ng pamilyang may hawak ng poder at may monopolya sa kapangyarihan sa loob ng apat na dekada, at binasahan pa ako:
Mateo 15:14 “Pabayaan ninyo sila: sila’y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay!”
Ay ano kita?
Martes, Disyembre 4, 2012
Saludong Nazi
Kabal ng Marinduque. Sa kasalukuyang panahon natin ngani naman. |
"For we wrestle not against flesh and blood, but against principalities, against powers, against the rulers of the darkness of this world, against spiritual wickedness in high places."
Katolikong Nazi sa panahon ni Hitler |
Saludo ni Adolf Hitler ang kanilang idolo |
Lunes, Disyembre 3, 2012
Mga panglilinlang ni Gina O. Reyes ng Marinduque
NAKAUMANG NA ANG KAMAY DAHIL ATAT NA SA PAGKAMAL NG SALAPI NG BAYAN?
Si Regina,
Regina Victoria o Gina Ongsiako Reyes Mandanas. Daw ferris wheel sa
pagpalit-palit ng pangalan, kapanganakan, estado, tirahan, nationality at asawa. Marapat na magsampa na ng kasong Falsification of
Public Documents baga ang tawag dun para kulong agad yan.
Anong malaking sikreto ang inapakatago-tago ng
babaing ito kaya’t pabago-bago ang pangalan, kapanganakan at tirahan at kung
anu-anu pa?
Garantisadong dahil sanay na ngani ang mag-inang
ito sa panglilinlang sa kanilang mga nasasakupan sa tulong ng kanilang mga
kampon kaya. Kayang-kaya nilang bilugin ang mga ulo ng mga timawa,
garantisadong nasanay na rin sa pamemeke ng mga personal na dokumento itong si
Regina Victoria na kandidato pala sa pagkakongresista. Aba ay tama lamang na kilatisin at kilalanin bago makaisa wari ano.
Pinanganak itong babaing ito na ang pangalan ay
Regina Victoria Ongsiako Reyes. Ipinanganak noong July 8, 1959, sa Maynila.
Pagkalipas ng tatlong taon ay sumipot
naman itong si Edmundo Reyes, Jr. na ayon sa profile ng ina na sinumite nila sa
League of Provinces, ang bunsong Edmundo ay ipinanganak noong 1962. (Na hindi
rin totoo lalo pa’t inagapilitan ngayon ng taong ito na siya ay ipinanganak
noong 1964). Pinangalandakan sa buong mundo at maliwanag na si Edmundo ang
bunso sa mga anak nina Carmencita O. Reyes at Edmundo M. Reyes, Sr. (Na ngayon
ngani ay inapalabas na si Gina ang bunso anu na).
1959 IPINANGANAK, 1960 NAMAN SA PROFILE NG INA, (BALE IKATLO SA MAGKAKAPATID), NGAYON NAMAN AY 1964 NA (PARA LUMABAS NA SIYA ANG BUNSO AT HINDI SI EDMUNDO, JR.) |
Taong 1982 ay abugada na siya at kilala sa
pangalang Gina at naging pangunahing sangkot ng taong iyon, 1982, sa krimen na
naganap sa Lupac na kung saan ang mga taga Lupac ay daw panahon ng Hapon na
hinalughog ng Ginaang mga kabahayan na kasama ng kanyang mga goons sa katahimikan ng
gabi ng walang ano-ano mang search warrant dahil sa diumano ay nawawalang gold
watch na pag-aari ng ama ng Gina. Sindak ang buong barangay mandin.
Nang walang nakitang gold watch ay mala-panahon
ng Hapon pa rin mandin na binabad nakalubog sa dagat ang ilang mga taga-Lupac
na kanilang suspect, at ang ibang babae kasama na ang kanilang mga katulong at
lalaking suspect naman ay binabad sa init ng araw buong araw ng walang pagkain
at tubig. Pag pumiyok, bugbog.
ISANG PAHINA LAMANG PALA ITO SA KAHINDIK HINDIK NA KRIMEN LABAN SA MGA TAGA-BARANGAY LUPAC NA GINAWA NI GINA O. REYES (ANG NAGA ATE-ATEHAN NGAYON) |
Nagulantang mandin ang mga taga Marinduque sa
pang-aaping ginawa ng Gina at mga goons niya at buong lalawigan ay nagsamok sa
ganung uri ng karahasang hindi kayang gawin ng taga-rito. Nagprotesta din ang mga
pari ng Simbahan, ang mga paladasal at ang mga opisyales ng probinsya simula
Governor ay nag-ingay sa mikropono ng Sangguniang Panglalawigan. Si Gov. Aris
Lecaros pa ay hindi nito apalampasin ang ganung uri ng pang-aapi lalo na sa mga
mahihirap nung panahong yun at dokumentado lahat yan ngani.
Nagprotesta ang daan-dang tao sa harapan ng
Kapitolyo at Kampo para mabigyan ng Hustisya ang mga sinaktan, pinahirapan,
pinagmumura at inapi. Doon unang sumikat ang pangalan ni Gina Reyes bilang
isang arogante, mapangmata at mapang-api sa mga mahihirap at dukha.
Pinaikot-ikot laang naman ni Delegadang Ina ang
mga nagreklamo hanggang sa sila ay mahilo at tumahimik na laang.
Kinalaunan ay nalaman na lamang na nagpa-Amerika
na laang ang Gina para doon na magtrabaho at mamuhay. Humigit-kumulang 15 taon
ang inilagi hanggang naaprubahan ang kaniyang petition para maging AMERICAN CITIZEN na at doon mag-practice bilang abogada.
Sa kabuuhan ay ano ang nagawa ni Gina sa maikling panahon ng kanyang panilbihan sa inayawan niyang posisyon bilang administrador kundi wala. Wala kundi tila magplano, mag-isip kung paano siya magkakamal ng limpak-limpak na salapi mula sa pera ng bayan. Wala naman talagang balaking manilbihan kundi gamitin ng libre ang mga pasilidades ng kapitolyo sa kanyang planong pagkandidato ngani. Libreng-sakay kumbaga wala pa sa puwesto ha.
Urong-sulong, sulong-urong ang nangyari dahil sa pagmumulto kay ‘Gina O. Reyes’ ng mga multo ng karahasan sa Lupac na hinding-hindi makalimutan ng mga Marinduquenong nakasaksi at nakarinig sa mga krimen nung mga panahong iyun ng Martial Law pa. ‘Inasuka namin yan!’, sabi ng isa. ‘Hindi namin makalimutan habang-buhay ang karumaldumal na ginawa ng babaing yan sa mga kamag-anak naming sa Lupac’, sabi ng isa pa. ‘Ang lakas ng loob bumalik dito na wala namang maramdaman ni kamag-anak niya kung siya ay taga-rito dahil iba ang kinagisnan, palit-pangalan, palit-kapanganakan, palit-asawa, palit-palit!’ 'Gasimula pa laang sa pulitika ay puro peke na ang pagkatao!'
Miyerkules, Nobyembre 28, 2012
Kabulaanan sa edad ng governadora ng Marinduque
Ang kapanganakan pala ng governadora ng Marinduque ay November 19. Malaking kababalaghan laang ngani kung ano ang totoong gulang niya. Kung siya ay 87, 83, o 81 na nakasaad sa kanyang personal na datos. Sabi doon siya ay ipinanganak sa taong 1931. Ayaw namang pumayag ng mga kasasabay niya sa pulitika na siya ay 81 laang. May dokumento naman ng birth certificate na pirmado niya na siya ay ipinanganak sa taong 1929.
Kung ano man ang totoo ay hindi baya maiitanggi na ugali na ng matanda na iligaw o ilihis ang mga tao. Kakatapos laang ng selebrasyon ng kanyang pinakahuling birthday noong nakaraang November 26 naman.
Ang alingasngas sa kabi-kabila ay ito ang unang-unang ipapamana niring matanda sa kanyang anak na pinangalanang Regina Victoria na ang ibig sabihin sa tagalog ng Regina ay Reyna. Reyna Victoria kumbaga.
Ano raw ang apamana? Ang patuloy sa nakagawiang panglilinlang sa kanyang tunay na pangalan at kapanganakan. Bakit kaya mahalaga para sa mga taong ito ang panglilinlang tungkol sa mga simpleng bagay na katulad nito? Yan ang misteryo na magandang busisiin sa mga masunod na araw kung paanong kasabwat ang mga cabal ng kapitolyo sa panglilinlang sa mga simple pero mahalagang bagay na ito.
Mahigpit na pala talaga ang kapit ng matanda sa kanyang kanang kamay na dating governador sa Marinduque dekada '80. Noong nakaraang kampanyahan ay panay mandin naman ang pananalita ng matanda na hindi niya akunin o apayagang makialam ang binansang Kang Gob kapag siya ay naupong governadora tanda mo pa?. Dahil daw ang lalaki ay kurakot laang ang alam. Matapos ang eleksyon ay daw kidlat mandin sa bilis na nag-take over ang lalaki at siya na ang tumayong lihim na governador. Iba talaga pag malalim na ang pinag-ugatan ng business partnership na ito ano? |
May pirma ang governadora sa birth certificate niyang ito na nagasabing ang kanyang kapanganakan ay November 9, 1929. Samakatuwid hindi maaring bumaba sa 83 ang kanyang edad, tama o mali? Taliwas sa kanyang mga opisyal na pahayag na siya ay ipinanganak noong November 9, 1931. Kayat sa mahabang bahagi ng kanyang public service ay siya ay nanglinlang at nagbulaan sa kanyang nasasakupan na tatak naman niya ito matagal ng panahon mandin naman. |
Mapaupo, mapatayo kailangang humawak ng mahigpit ang matanda sa kalimitan ay dalawang tao sa kanyang tabi at mas delikado pag tumumba. Hangos at halos buhatin na mandin ito pag naakyat sa hagdan. Nito nganing mga huling araw ay hindi na makita na nasama sa flag ceremony dahil minsan ay nagakantahan lahat ng Bayang Magiliw ay nakaupo naman ang matanda na hindi kaya ang katawan. Proxy sa flag ceremony ang kanyang anak. Awan laang kung mapayag si Pare na si Gina ang kanilang bunso at hindi siya. Ang mga empleyado naman ng kapitolyo ay daw bulag at puro mata na laang nila ang nagalaw na ang ibig sabihin ay wala kitang nakikita ano? |
Kapit pa ng mahigpit hirang. |
Martes, Nobyembre 27, 2012
Para-paraan
Kuha ang larawan bago magmisa sa bagong gusali noong November 26, 2012. Pinalaganap sa mga barangay ng Marinduque ang balitang parating ang Pangulo ng Pilipinas para sa diumano ay inagurasyon ng Legislative Building sa Kapitolyo kahit hindi pa ito tapos sa gitna ng usapin ng balaking pangungutang ng milyon-milyon ng administrasyong Reyes ngani. Bale pantapal baga ang Pangulo ng Pilipinas dahil itinaas na pala sa Korte ng isang pribadong grupo ang pagpigil sa nasabing utang. Para sa mga concerned citizens ng grupo at maging ng mga iba pang LGU sa Marinduque ay kaduda-duda ang pangungutang na ito dahil ilang buwan na lamang ay kampanyahan na para sa 2013 Elections. Nakakamangha na dumaan ang tatlo at kalahating dekada na hawak ng mga Reyes ang kapangyarihan ay biglang makakaisip mangutang sa mga kadahilanang hango sa kabulaanan naman, anila. Sa usapang kabulaanan naman, makikita sa itaas ang larawan ngmalaking tarp sa diumano ay inagurasyon na kung saan ay pinamalita na dadaluhan ng Pres. Aquino. Ang okasyon naman pala ay pagdiriwang ng KAPANGANAKAN NG GOBERNADOR CARMENCITA O. REYES NG MARINDUQUE. Alam ng Kapitolyo na walang Presidente na darating, kayat ipinamalita naman na si DILG Secretary MAR ROXAS ang padating bagamat wala namang niha-nihong kumpirmasyon tungkol dito. pero kailangang makapag-ipon ng maraming tao ang Kapitolyo kayat hindi na binawi sa mga taga-barangay ang ipinamalita. Maliwanag naman na para ang lahat sa "Kaarawan ng Ina ng Lalawigan". Karaniwang paraan na ito ng mga REYES para ang GASTOS AT PAGPAPAKAIN sa kanyang KAARAWAN ay manggaling sa KABAN NG BAYAN. Mabisang paraan naman baga para ilihis ang isip ng mga tao na maaring makabatid sa kanilang ma-anomalyang sistema ng pag-gamit ng taxpayers money. Lalo na kapag dinaluhan ng VIP tulad ng presidente o sec ng gabinete. Hindi na ito bago kung atuusin. Ito na ang sistemang nakagisnan na akuin na sarili nilang pera ang pera ng bayan. Yun namang mga dapat ay guest of honor kung dumalo ay naging biktima sana ng GAMITAN kung sila ay nakadalo. |
Cabal ni Carmencita Reyes
KABAL
Ito pala ang ilan lamang sa
mga pangunahin at pamosong kabal ng kapitolyo ng Marinduque.
Ang kabal ay isang
grupo ng mag-anak o mga tao na ang tanging pakay lamang ay igiit ang kanilang
mga sariling kapakanan at interes sa komunidad, simbahan o gubyerno. Nagagawa
ang kanilang pakay sa pamamagitan ng pagmamanipula, panggigipit, pambabaoy o pananakot sa
kanilang mga nasasakupan habang nakaupo sa puwesto. Istilo na ng mga kabal ang
pakikipagsabwatan para maisagawa ang kanilang makasariling layunin ng walang
kasawaan. Sa ganitong paraan ay iisang pamilya lamang ang humahawak sa
kapangyarihan sa gubyernong kanilang ginagalawan..
Palaging kakabit ng
terminong KABAL (CABAL), ang mga pamamaraang illegal, ma-anomalya, mapanglinlang
at mapagmanipula. Pamamaraan na nila ang panatilihing salat, mahina, mahirap,
ignorante at walang boses ang kanilang nasasakupan para tuloy-tuloy na
maisakatuparan ang kanilang hangad.
Ang salitang KABAL pala ay
hango sa Kabbalah na ang ibig sabihin ay occult o kaalamang lihim at
kadiliman na ang pangunahing pakay ay ang pag-CONTROL sa pag-iiisip at galaw ng
mga tao tulad ng isinagawa ng mga Nazi sa kapanahunan ni Adolf Hitler.
Lunes, Nobyembre 26, 2012
MARINDUKE: Uproot Dynasty 2013
Huwebes, Nobyembre 1, 2012
Reyes Ghost Projects na Farm to Market Roads sa Torrijos
Hindi pa tapos ang kaso sa Ombudsman ng administrasyong Carmencita O. Reyes ng Marinduque tungkol sa Ghost Projects ay gusto na namang gumawa ng panibagong mga multo? Milyon-milyon pala ang autangin sa bangko para bago mag-eleksiyon ay rimpak-rimpak ang salapi na malamang ang kasasapitan ay pareho din ng nakagawian na sa mahabang panahon mandin.
Ang multo ay parating gamulto hanggat hindi inabigyan ng katahimikan at katapusan ang kanyang himutok. Kayat palagian kang adalawin ng mgay iyan abutan man ng maraming taon baga.
Maraming multo sa kapitolyo pilit na inasubukang ibaun sa limot pero ayaw ng mga multo. Kaya dinala na ang usapin sa Ombudsman. Panay man ang tawag at bisita doon ng mga gumawa ng multo ay panay naman ang daing ng mga multo na bigyan ng katarungan ang kanilang sinapit.
Ghost projects sa pagpagawa ng maraming farm-to-market roads sa Torrijos, Marinduque ang prinotesta ng mga barangay doon. Ilan lamang sa maraming salaysay ng mga Kapitan ng Barangay ang narito na inireklamo ang Kapitolyo sa pamamalakad ng Gob. Carmencita O. Reyes. Kasapakat sa reklamo ang mga taong siksik, liglig at umaapaw ang kapangyarihang magmanipula para maging matagumpay ang sistema ng kurakutan na tila naperpekto na nila.
At dahil tila baga walang pakialam ang mga tao dahil lamang nakasanayan na ang sistema ng kurakutan kaya lalo namang ga-dambuhala ang pang-aabuso ng mga reyna-reynahan at hari-harian sa kanilang hiram na kapangyarihan sa paniniwalang habang buhay na hawak nila ito. Isasaling-lahi lamang sa kanilang mga kaanak ang hayag na balak. Basaha po ang ilan sa mga salaysay ng mga Kapitanes.
Ulit, nagaantay ng katarungan ang kasong ito na ilang taon ng nakasampa sa Ombudsman mandin.
"Republika ng Pilipinas
Bayan ng Torrijos
Lalawigan ng Marinduque
"SINUMPAANG SALAYSAY
"AKO, SI, ELEUTERIO R. RAZA, SR.,may sapat na gulang at
kasalukuyang nanunungkulang Punong Barangay ng Kay Duke, Torrijos, Marinduque,
matapos manumpa sang-ayon sa batas ay kusang loob na nagpapahayag ng mga sumusunod:
"1. Na sa hangarin kong maging maayos ang lansangan
n gaming barangay ay lumapit ako sa Punong Lalawigan para mabigyan ng
kongkretong kalsada ang aking lugar at sa tulong din ng aking anak na si Bokal
Bong Raza ay nabigyan kami ng pondo na nagkakahalaga ng P 116,000.00;
2. 2. Upang mapadali ang pagpapatupad ng naturang
proyekto ay madalas akong nakikipag-ugnayan kay Administrator Luisito M. Reyes
para malaman ang mga hakbangin sa mabilisang pagsasagawa ng nabangit na
proyekto sa aming barangay;
3. 3, Sa bisa ng ginawang aksiyon ng Tanggapan ng
Gobernador ang naturang proyekto ay nagawan ng balangkas na programa at
naihanda ang kaukulang mga papeles para mabii ang mga materyales na
kakailanganin ng nasabing proyekto;
4. 4. Sa pamamagitan ni Bokal Raza ay inaalam ko ang kalalagayan
ng mga materyales na gagamitin sa proyekto at napagalaman ko na si Engr. Mayco
Leyco ng Provincial Engineer’s Office ang mangangasiwa ng pagpapatupad nito;
5. 5. Na ang matagal na pagkakabinbin ng pagdedeliver
ng mga materyales matapos ang bidding nito ay nagtulak sa akin upang palagiang
ungkatin kung kalian masisimulan ang proyekto subalit nagulat ako ng malaman ko
na ang concreting project na nakalaan sa aking barangay ay iniulat ng tapos
bagamat hindi pa ito nasisimulan at ang mga materyales nito ay hindi pa
naiideliver;
6. 6. Na nagdeliver lamang ng mga materyales ang
supplier matapos na alamin ni Bokal Raza mula sa PEO ang napaulat na kalagayan
ng proyekto at sa Accomplishment Report na inilabas ng Engineering Office ay
nabasa ko na ang naturang project ay iniulat ng natapos noon pang September 21,
2005;
7. 7. Na pinasisinungalingan ko at pinawawalang bisa
ang impormasyon na nakalagay sa Accomplishment Report at sa pamamagitan ng
salaysay na ito ay pinatutunayan ko na hindi pa sinisimulan ang proyektong
nabanggit;
"Sa katunayan ng lahat ng ito ay lumagda ako sa tapat ng
aking pangalan ngayong ika-4 ng Enero 2006 sa Torrijos, Marinduque.
(Pirmado)
ELEUTERIO
R. RAZA, SR.
PUNONG BARANGAY
Kay Duke
(Notaryado at pirmado ni MANOLO BUENVIAJE, Notary Public"
Republika ng Pilipinaas
Bayan ng Torrijos
Lalawigan ng Marinduque
SINUMPAANG SALAYSAY
Ako si TOMAS C. PALMA, may sapat na gulang at kasalukuyang
Punong Barangay ng Buangan, Torrijos, Marinduque, matapos manumpa sang-ayon sa
batas ay kusang loob na nagpapahayag ng mga sumusunod:
1.
1. Na isa sa pangunahing suliranin ng aking
barangay ang provincial road na nag-uugnay sa aking barangay at sa karatig
nitong barangay ng Bayakbakin at Payanas;
2. 2. Na upang maibsan ang paghihirap ng mga dumadaan
sa naturang lugar sanhi ng bako-bako at lubak na kalsada ay nakipag-ugnayan ako
sa Tanggapan ng Pangalawang Punong Bayan para mapadalhan ng ekwipo ang masamang
bahagi ng daan at matambakan ito sa pamamagitan ng Loader at grader;
3. 3. Na sa aking pagkakaalam ang kalsadang tumatagos
simula Buangan-Bayakbakin-Payanas ay nasa ilalim ng pangangasiwa at pagsasaayos
ng Pamahalaang Panlalawigan subalit wala akong natndaan na isinaayos ang
naturang kalsada na saklaw ng aking barangay sa nakaraang dalawang (2) taon
maliban na lamang noong panahon ni Engr. Ramos;
4. 4. Na kahit minsan ay hindi ko pa nakausap o
nagpunta sa akin ang Engineer na kasalukuyang nakatalaga sa Torrijos at
nangangasiwa ng pagsasaayos ng provincial road dito, o di kaya ay nagpatrabaho
sa aming lugar;
5. 4. (sic) Na wala rin akong nalalaman na proyektong
pinasimulan ang probinsiya para ayusin ang masamang kundisyon ng kalsada sa
aming lugar.
"Sa katunayan ng lahat ng ito ay lumagda ako sa tapat ng
aking pangalan ngayong ika-2 ng Enero 2006 sa Torrijos, Marinduque.
(Pirmado)
G.
TOMAS C. PALMA
Punong Barangay
BUANGAN
(Notaryado at Pirmado ng Atty. Manolo Buenviaje, Notary Public.
Huwebes, Oktubre 11, 2012
Ika-27 Taong Anibersaryo ngayon ng Karahasan sa Lupac
“…what happened thereat poses to them a grim reminder of the brutalities during the Japanese occupation. This is worse they said because the atrocity was committed not by the Japanese but by Filipinos against Filipinos… unless we condemn, resist and emphatically show our displeasure against the abuses we are discussing now in the strongest possible terms, we shall remain to be continuing victims of oppression from all quarters, because of our timidity and acquiescence by silence.” – Governor Aristeo M. Lecaroz (Speech before the Sangguniang Panlalawigan, October 28, 1985)
Sipi mula sa dokumento sa itaas tungkol sa karahasan sa Lupac, 1985
MGA DAPAT MALAMAN NG MGA MAMAMAYAN NG MARINDUQUE
Ang naganap sa Barangay Lupac, Boac, noong ika-11 ng Oktubre (1985) ay isang pangyayaring ni sa panaginip ay hindi dapat naganap sa ating hugis-pusong lalawigan.
Ayon sa mga ulat ay may naganap na nakawan sa malaking bahay na bato sa Lupac na pag-aari ni Delegada Carmencita O. Reyes...
Ang hinaing ng mamamayan ng Barangay Lupac ay ito:
1. Alas 12:00 ng gabi, Biernes matapos malaman na may naganap na nakawan ay limang bahay ang pinasok at hinalughog ni Maxi Pena – panauhin sa malaking bahay, ng wala namang dalang “search warrant” o ni kasamang isa mang authoridad.
2. Bago maganap ang paghahalughog, si Nolan Lanete, isang 14 na taong gulang ay tatlong ulit na inilublob sa dagat ni Maxi Pena at hinayaang naroon sa tabing dagat ng may isang oras sa lamig ng gabi (kasamang sipi).
3. Linggo ng umaga, ang isa sa mga katulong sa malaking bahay na si Pecifico Hilario ay sinuntok, tinadyakan, pinalo ng puluhan ng baril sa kaliwang balikat at hindi pa nasiyahan ay iinilad mula 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon sa arawan sa tabi ng aplaya.
4. Si Elvira Monteras, isang pinagkakatiwalaan ni Delegada Carmencita O. Reyes nang mahigit na 15 taon na ngayon ay tatlong ulit na sinampal at tinadyakan sa panga ng nasabi rin na si Maxi Pena.
5. Si Reynaldo Mabato, isang suspect na taga Mainit, ay hinuli sa pamilihang bayan at nang ayaw sumama ay kinarati at sinakal ng isang nagngangalang Ninoy Mascarenas.
6. Hanggang sa kasalukuyan, ang mga nabanggit na mga katulong sa malaking bahay at iba pang hindi nabanggit ay nakakulong pa sa komandansya simula pa noong Linggo na sa sandaling ito ay may apat na araw na o 96 oras na ngayon.
Ang iba pang detalye ng Karahasan sa Lupac ay mababasa sa:
PAKIKIISA NG SIMBAHAN
DEMOCRACY O DEMO-CRAZY, JUSTICE O JUST-TIIS
KAMI'T BINILAD AT PINAHIRAPAN SA LUPAC
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)